Barangay Tanod sa Mandaluyong City hindi pinasasahod?
Joey Venancio
November 18, 2015
Opinion
GOOD morning po. Sir Joey, magtatanong lang po ako sa inyo? Bakit po ang Baranggay Malamig hindi nagpapasahod ng kanyang mga tanod? Kasi po noong nakaraang taon, may anim na buwan hindi ibinigay sa kanila. Tapos po ngayong taon na ito ay pitong buwan na naman sila hindi nasahod. Gutom na gutom na po ang tanod ng Baranggay Malamig. Lagi po silang naka-duty, hindi nga po sila nawawala sa baranggay. Ang nawawala po sa kanila ang sahod nila. Bakit po ganoon ang Baranggay Malamig ng Mandaluyong City?
– Concerned citizen lang po
Ang barangay tanod ay kasama sa budget ng barangay. Kasabay silang sumasahod ng mga kagawad, tserman, treasurer at secretary. Sino po ba ang tserman nyo dyan? Chairman, paki-explain pls…
Biktima ng Pacific Plans ng Yuchengco
Mr. Venancio, sana help investigate. Marami kami biktima ng Yuchengco of RCBC and Pacific Plans. Nilamon nila pera ng planholders galing sa tulo ng pawis na akala pagdating sa pagtanda may panggastos at gamot. Yon iba pang-tuition ng anak. Paano na kami? Magkano kaya binigay sa Judge ng Makati Branch… at ganito ang hatol? Kumuha kami noon ng Pacific Plans, na-magic naging Lifetime at naging Apec Plan under Noel C. O., half brother raw nila Yuchengco. Ngayon, nganga kami! Kawawa mga law abiding citizen, wala katarungan. Ito ba ang daang matuwid? Bakit walang balita sa TV news or diario? ls help us naman. – 09324238…
REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015