Friday , November 15 2024

APEC leaders dumating na

111815 APEC Ph 2015

MAGKAKASUNOD na dumating sa bansa ang mga head of states na dadalo sa 23rd Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit na gaganapin sa Philippine International Convention Center (PICC).

Dakong 1 p.m. nang dumating si US President Barrack Obama lulan ng Air Force 1 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sumunod na lumapag din sa NAIA sina Australian Prime Minister Malcolm Trunbull, SoKor President Park Geun-Hye, Chinese President Xi Jinping, Vietnam President Truong Tang Sang at Mexican President Enrique Peña Nieto.

Habang nagsagawa ng courtesy call kay Pangulong Benigno Aquino III si Colombian President Juan Manuel Santos sa Malacañang kahapon.

Inimbita ni Pangulong Aquino si Santos sa 23rd APEC Summit kahit hindi pa siya miyembro kundi bilang observer habang kamakalawa ay nagsagawa rin ng courtesy call kay Pangulong Aquino si President Michelle Bachelet ng Chile.

Binigyan ng state dinner ni Pangulong Aquino si Mexican President Enrique Peña Nieto na nag-courtesy call sa Malacañang kahapon.

Samantala, nagkaroon ng magkakahiwalay na bilateral talks si Pangulong Aquino kina Papua New Guinea Prime Minister Peter O’Neill, Vietnam President Truong Tang Sang at Colombian President Juan Manuel Santos sa Malacanang.   ( ROSE NOVENARIO )

APEC LEADERS KOMPIYANSA SA SEGURIDAD

NANINIWALA ang liderato ng pambansang pulisya na malaki ang kompiyansa ng member economies at mga delegado sa ipinatutupad na seguridad para sa buong panahon ng APEC Leaders Summit.

Ito ay sa kabila nang kumakalat na banta laban sa malaking pagtitipon.

Ayon kay PNP PIO chief, Chief Supt Wilben Mayor, mula nang maganap ang serye ng pambobomba sa Paris, France, wala silang natatanggap na ano mang paabiso o kahilingan mula sa kanilang counterparts na kasama ng member economies at mga delegado, patungkol sa kanilang seguridad.

Umapela ang PNP sa publiko na huwag padadala sa takot sa mga nakikita o naririnig na pagbabanta mula sa kung alin mang grupong terorista.

Kung mayroon aniyang mapupuna ang publiko na kahina-hinalang kilos ng mga taong hindi kilala o may ibang mukhang mapapansin sa isang komunidad, at may mga kanina-hinalang bagay na inabandona sa isang lugar, agad itong ipagbigay-alam sa mga awtoridad upang maaksiyonan at maagapan ang ano mang posibleng karahasan.

WEST PH SEA ‘DI NAPAG-UUSAPAN

HINDI kasama sa mga tinalakay sa Ministerial Meeting ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit dito sa bansa ang ilang mainit na usapin sa rehiyon.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Albert del Rosario, chairman ng Ministerial Meeting, hindi napag-usapan ang tungkol sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Ang mga agenda aniyang tinatalakay sa APEC ay pawang tungkol lamang sa ekonomiya.

Maging ang tungkol sa haze na bumabalot sa Southeast Asia mula sa forest fires sa Indonesia, ay hindi rin natalakay.

Ayon kay Trade Secretary Gregory Domingo, co-chairman ng APEC Ministerial Meeting, bagama’t isa sa napag-usapan ang tungkol sa produktong palm oil ng Indonesia, hindi napag-usapan ang haze.

Ang haze galing Indonesia ay mula sa forest fires dahil sa pagsusunog para taniman ng palm na pinagkukunan ng mantika.

OBAMA MAGBIBIGAY NG 2 BARKO SA PH

NANGAKO si US President Barack Obama na magdo-donate ng karagdagang dalawang barko sa Filipinas.

Ginawa ni Obama ang pahayag kasunod ng kanyang personal na pagsakay sa barko ng Filipinas na BRP Gregorio Del Pilar nang dumating sa bansa para dumalo sa APEC meeting.

Binigyang-diin ng US president na “unbreakable” kung maituturing ang relasyon ng Filipinas at Estados Unidos.

‘NO FLY, NO SAIL ZONE’ LALO PANG HIHIGPITAN

MAS lalo pang hihigpitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagpapatupad ng “no fly, no sail zone” simula ngayong araw, Nobyembre 18, 2015.

Dahil dito, todo-paalala ang AFP na iwasan munang maglayag lalo na sa whole stretch ng Manila Bay na sakop ng ‘no sail zone’ maging ang paglipad ng mga sasakyang pang-himpapawid.

Ayon kay AFP spokesperson Col. Restituto Padilla, ang Philippine Navy at Philippine Coast Guard ang in-charge sa pagpapatupad ng ‘no sail zone.’

Habang ang Philippine Air Force at ang air assets ng Philippine Navy ang magpapatupad ng ‘no fly zone.’

Paalala ni Padilla, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapalipad ng drones at kung sino ang lalabag dito ay huhulihin at sasampahan ng kaso.

Aniya, bilang bahagi ng ipatutupad na security measures, magsasagawa rin ang militar ng air patrols, at sa labas ng “no fly zone” areas ay may isasagawang combat air patrols.

Sa deployed cops sa APEC

FOOD PACKAGE LANG NO CASH ALLOWANCE

NILINAW ng Philippine National Police (PNP) na wala silang ibinibigay na cash allowance sa bawat miyembro nila na naka-deploy para i-secure ang seguridad sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders Summit 2015.

Ayon kay PNP PIO chief Supt. Wilben Mayor, ang tanging ibinibigay ng pamunuan ng PNP ay food package.

Sinabi ni Mayor, mayroon nang measures na isinagawa para maiwasan na may mga pulis na magrereklamo na nakatanggap sila ng panis na pagkain.

Aniya, kanilang tiniyak na maayos ang pamamahagi ng pagkain at tamang pagkain ang natatanggap ng mga pulis.

Dagdag ni Mayor, kumuha na sila ng caterer na siyang mangangalaga sa pagkain ng mga pulis kaya pareho-pareho ang menu na ibibigay sa kanila.

Inihayag ni Mayor, nais nilang maiwasan na may mga pulis na magrereklamo kung kaya’t gumawa na sila ng corrective measures at ipinatutupad na ang standard meal package.

DOJ NAGTALAGA NG 24-HOUR DUTY \PROSECUTORS SA NAIA

PARA matiyak na may agarang legal na aksiyon sa mga reklamo sa Ninoy Aquino International Airport sa panahon ng APEC Summit, nagtalaga ang Department of Justice ng 24-hour duty prosecutors sa loob ng paliparan.

Itinalaga ni Prosecutor General Claro Arellano sina Asst. State Prosecutor Xerxes Garcia, Asst. State Prosecutor Philip Del Cruz, Asst. State Prosecutor Gerard Gaerlan, Prosecutor Herbert Abugan, Asst. State Prosecutor Clarisa Kuong, Asst. State Prosecutor Romeo Senson, Asst. State Prosecutor Michael Vito Cruz, Prosecutor Ma. Richelle Oliva, Asst. State Prosecutor Jalmar Quintana, Asst. State Prosecutor Alexander Suarez, Asst. State Prosecutor Florencio Dela Cruz, Jr., at Asst. State Prosecutor Brian Jacinto Cacha na halinhinang magdu-duty mula Nobyembre 17 hanggang Nobyembre 20.

( LEONARD BASILIO )

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *