Thursday , December 19 2024

Kelot utas sa illegal connection

PATAY ang isang lalaki makaraang barilin ng dalawang lalaking sinasabing karibal ng biktima sa pagkakabit ng illegal connection sa koryente kamakalawa ng hapon sa Malabon City.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si Danilo Zinampan, 41, residente ng Phase 3, Flovi Homes, Paradise Village, Brgy. Tonsuya ng nasabing lungsod.

Habang masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Batay sa ulat nina PO3 Roger Gonzales at PO3 Alexander Dela Cruz, dakong 4:30 p.m. habang nakatayo ang bikTima sa Block 1, Damata, Letre Road, Brgy. Tonsuya nang dumating ang mga suspek at bigla siyang pinagbabaril.

Napag-alaman, sangkot sa pagkakabit ng ilegal na linya ng koryente sa kanilang lugar ang biktima kaya’t hinihinalang ang mga suspek ay karibal ni Zinampan sa nasabing gawain.

About Rommel Sales

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

121324 Hataw Frontpage

Disqualified si Marcy Teodoro — Comelec

IDINEKLARANG diskalipikado at hindi na maaaring tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *