Babalik na si Mayor FRED LIM . . .
Tracy Cabrera
November 17, 2015
Opinion
I can assure you, public service is a stimulating, proud and lively enterprise. It is not just a way of life, it is a way to live fully.
– Lee H. Hamilton
PASAKALYE: NITONG nakaraang dalawang linggo, sinamahan ng inyong lingkod ang dalawa nating kaibigan para kumuha ng kanilang NBI clearance. Dati-rati, pangkaraniwan nang makita natin ang tambak na mga taong nakapila o naghihintay dahil sa hirap nang pagkuha ng kanilang clearance, pero ngayon ay parang milagrong nagbago ang situwasyon dito.
Mukhang sa unang pagkakataon ay epektibo ang mga pagbabagong ipinapatupad ng pamunuan ng NBI at lubhang napakadali na ang pagkuha ng anumang dokumentong kailangan mula sa ahensiyang nasa ilalim ng pangangasiwa ng Kagawaran ng Katarungan o DoJ.
Kudos kay Dir. MENDEZ!
NAIS din nating batiin ang ilan sa ating mga kaibigan sa NBI na sina Atty. CLARO DE CASTRO, FREDDIE DE VERA, RUFINO PRADO at Pareng PETER (na mister ni Ma’am ELLA). Salamat sa inyo mga katoto sa walang-sawang pagtanggap at pagtulong sa PANGIL!
MAKABALIK lang ang aking mayor, tiyak nang magbabalik ang magandang serbisyo sa Maynila.
Sa panahon ng panunungkulan ni Mayor ALFRED LIM ay naranasan ko ang patas na paninilbihan sa lahat ng sangay ng pamahalaang lungsod dahil ganito ang ipinairal na polisiya ng dating police general at dati ring direktor ng National Bureau of Investigation (NBI).
Dangan nga lang ay biglang naglahong parang bula ang lahat nang ito nang maupo bilang alkalde ang nakulong na dating pangulo at nahatulang mandarambong na si ERAP ESTRADA.
Pagdalaw ni Pres. Xi Jinping
Mabuti naman at nag-confirm na si XI JINPING, Chinese President na dadalo sa ika-23 Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) leaders meeting na gaganapin sa 17 hanggang 19 Nobyembre, 2015.
Magandang pangitain ito para sa ikalulutas ng sigalot sa West Philippine Sea at South China Sea. Kahit hindi ito matalakay sa kanilang pagpupulong dahil nakatuon ang kanilang agenda sa pagpapalago ng ekonomiya ng bawat bansang kasapi nito ay baka sakaling mabanggit din ito sa informal gathering na pagsasaluhan ng mga leaders na dadalo dahil mahalaga ito sa seguridad ng bansang dumaraan sa karagatan ng West Philippine Sea at South China Sea. Nakasalalay dito ang ekonomiya ng bawat bansang may pakialam sa kalagayan ng karagatan. Bilyon-bilyong pera ang mawawala kapag hindi nila napagkasunduan sa mabuting usapan ang kasong ito. Sa isang iglap maglalaho ang magandang relasyon ng bawat bansang apektado sa usaping ito. Harinawang ang bawat lider na dadalo ay magkaroon ng magandang pag-iisip, kalmadong katinuan at hindi humantong sa mapangwasak na giyera. – Bryan A. Victorio, 28 Ist Camarilla St., Barangay Socorro, Murphy Quezon City
Hindi daw masarap ka-sex
May problema po ako sa kasama ko sa trabaho na kapatid ng barkada ko. Maganda po siya talaga kaso may boyfriend na siya. Pero minsan po ay nalasing kami at may nangyari sa amin. Gusto ko pong maging syota siya pero ang sabi niya sa akin ay hindi daw po ako masarap ka-sex kaya ayaw niya. Ano po gagawin ko? – Anonymous (09484381722, Oktubre 18, 2015)
Nahihilig sa phonesex
Ako po si Liza. Ang problema ko po ay mula nang makipag-phonesexako sa kapitbahay naming may-asawa ay lagi ko siyang naiisip ngayon. Ano po ba ang gagawin ko? – Liza (09332158102, Oktubre 20, 2015)
Ang GF nakipag-sex sa iba
KUMUSTA po. C mike 2. Problema ko po ung gf ko nakpg-sex sa iba at sbi nya mas masarap dw kesa sakin. Anu po gagawin ko? – Mike (09306565622, Oktubre 31, 2015 )
* * *
Para sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na [email protected] o dili kaya’y i-text n’yo lang po sa aking cellphone number na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart.