Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kathryn, kulang sa hugot umarte (Parang laging may sipon at parang ngongo)

111615 kathryn bernardo
NAKUHA na namin ang sagot kung bakit nadi-distract kami sa acting ni Kathryn Bernardo. Ito’y dahil sa laging parang may sipon at parang ngongo siya ‘pag seryoso ang eksena at todo emote.

May halo ring ng pabebe ang acting ni Kathryn. Parang kulang siya sa hugot ‘pag umaarte. Lamon na lamon tuloy siya ni Jodi Sta. Maria na lagi pa naman niyang kaeksena sa Pangako Sa ‘Yo. Kahit nga ang kasabayan niyang siJulia Montes, lamang sa kanya sa galing umarte sa Doble Kara.

Sey nga namin, ibang-iba ito sa ka-love team niyang si Daniel Padilla na may lalim na ang acting. Habang tumatagal ay gumagaling. Nananalaytay talaga ang dugong artista.

Kaya nga, napansin ng PMPC Star Awards for TV ang acting ni DJ at nominado ngayon sa Best Drama Actor saPangako Sa ‘Yo na gaganapin sa December 3. Makakalaban niya sina Alden Richards (Ilustrado),Jericho Rosales (Bridges of Love), Eddie Garcia  (Give Love On Christmas Presents The Gift Giver), Gerald Anderson (Nathaniel), Paulo Avelino (Bridges of Love), atPiolo Pascual (Hawak Kamay)

Talbog!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …