Saturday , November 23 2024

VIP treatment sa APEC delegates ‘pasyal-tago’ naman sa mga pinabayaang dukhang pinoy?

APEC2015NAGHIHINAYANG tayo sa pundasyon ng Kristiyanismo nina Pangulong Benigno Aquino III at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Dinky Soliman.

Kung hindi tayo nagkakamali, pinanday ng mga Jesuita ang Kristiyanismong kanilang kinamulatan.

Kaya naman hindi natin maintindihan kung kailangan nilang itaboy  ang mga dukha nating kababayan kapalit ng  pagpapabakasyon kunwari. Ayon sa mga nakapanayam natin na ilang street dwellers diyan sa bahagi ng Aristocrat sa Malate area, binibigyan daw sila ng P4,000 para umuwi muna sa kanilang probinsiya.

‘Yung iba naman, dadalhin na naman yata sa isang resort para ‘magbakasyon’ muna sa pagpapalimos.

Noong Enero, sa pagbisita ni Pope Francis, milyones ang ginastos ng gobyerno para lamang maitago ang mga dukha nating kababayan sa pagbisita ng Holy See.

Ipinagkatanggi-tanggi pa ito ni Secretary Donkey ‘este Dinky pero lumabas din ang katotohanan.

Ngayon, sa pagdating ng APEC delegates at ng head of state ng iba’t ibang bansa sa mga bansang nasa Asia Pacific, mukhang uulitin na naman ni Secretary Donkey ‘este Dinky ang ginawa nila noong dumating si Pope Francis.

Mukhang kinakapos na ang pag-iisip nitong sina Sec. Donkey ‘este Dinky at maging ni PNoy?!

Kailan pa naging ‘solusyon’ na itago sa mga taga-ibang bansa ang tunay na kalagayan ng iyong bansa?!

Kung ayaw nilang masabi ng ibang bansa na maraming dukha at patay-gutom sa bansang ito na kanilang pinamumunuan, pawiin nila ang kahirapan sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakakitaan sa marami nating kababayan na walang trabaho.

Maraming industriya na ang bumagsak at namatay sa bansa. Pero inisip ba ng administrasyong ito kung ano ang gagawin nila para muling pagyabungin ang industrialisasyon sa bansa?! Ang agrikultura?

Lahat nang ‘yan ay puwedeng magbigay ng kabuhayan o pagkakakitaan sa ating mga kababayan.

At kung may kabuhayan na sila, hindi na nila kailangan tumira at matulog sa mga kalye.

At lalong hindi na nila kailangan hakutin ang mga eye sore sa kalye na ginagastusan nang milyon-milyones.

‘E sa totoo lang kayo ang ‘PINAKAMALAKI at PINAKAMAGASTOS na EYE SORE sa bansang ito!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *