Thursday , December 26 2024

VIP treatment sa APEC delegates ‘pasyal-tago’ naman sa mga pinabayaang dukhang pinoy?

00 Bulabugin jerry yap jsyNAGHIHINAYANG tayo sa pundasyon ng Kristiyanismo nina Pangulong Benigno Aquino III at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Dinky Soliman.

Kung hindi tayo nagkakamali, pinanday ng mga Jesuita ang Kristiyanismong kanilang kinamulatan.

Kaya naman hindi natin maintindihan kung kailangan nilang itaboy  ang mga dukha nating kababayan kapalit ng  pagpapabakasyon kunwari. Ayon sa mga nakapanayam natin na ilang street dwellers diyan sa bahagi ng Aristocrat sa Malate area, binibigyan daw sila ng P4,000 para umuwi muna sa kanilang probinsiya.

‘Yung iba naman, dadalhin na naman yata sa isang resort para ‘magbakasyon’ muna sa pagpapalimos.

Noong Enero, sa pagbisita ni Pope Francis, milyones ang ginastos ng gobyerno para lamang maitago ang mga dukha nating kababayan sa pagbisita ng Holy See.

Ipinagkatanggi-tanggi pa ito ni Secretary Donkey ‘este Dinky pero lumabas din ang katotohanan.

Ngayon, sa pagdating ng APEC delegates at ng head of state ng iba’t ibang bansa sa mga bansang nasa Asia Pacific, mukhang uulitin na naman ni Secretary Donkey ‘este Dinky ang ginawa nila noong dumating si Pope Francis.

Mukhang kinakapos na ang pag-iisip nitong sina Sec. Donkey ‘este Dinky at maging ni PNoy?!

Kailan pa naging ‘solusyon’ na itago sa mga taga-ibang bansa ang tunay na kalagayan ng iyong bansa?!

Kung ayaw nilang masabi ng ibang bansa na maraming dukha at patay-gutom sa bansang ito na kanilang pinamumunuan, pawiin nila ang kahirapan sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakakitaan sa marami nating kababayan na walang trabaho.

Maraming industriya na ang bumagsak at namatay sa bansa. Pero inisip ba ng administrasyong ito kung ano ang gagawin nila para muling pagyabungin ang industrialisasyon sa bansa?! Ang agrikultura?

Lahat nang ‘yan ay puwedeng magbigay ng kabuhayan o pagkakakitaan sa ating mga kababayan.

At kung may kabuhayan na sila, hindi na nila kailangan tumira at matulog sa mga kalye.

At lalong hindi na nila kailangan hakutin ang mga eye sore sa kalye na ginagastusan nang milyon-milyones.

‘E sa totoo lang kayo ang ‘PINAKAMALAKI at PINAKAMAGASTOS na EYE SORE sa bansang ito!

Anyare sa salary increase ng teachers?!

NABIGYAN naman daw ng increase ang mga teacher…  

‘Yun lang, mula sa proposed increase na almost P35,000 ang maging suweldo ng isang teacher ay dinagdagan lamang sila ng P2,000.

Habang ‘yun mga  mambabats ay binigyan ng dagdag ma P100,000 sa kanilang suweldo at ang pangulo ng bansa, mula sa P120,000 ay ginawang P450,000 kada buwan.

Aba, mahirap na palang trabaho ngayon ang tumanghod sa computer sa buong maghapon at maglaro ng PSP kaysa magturo sa ilang section ng mga mag-aaral mula pre-school hanggang high school?!

O matulog sa swivel chair na naghihilik pa habang may deliberasyon sa Kamara?!

Sonabagan!

Si Senator Antonio “Sonny” Trillanes lang yata ang nakaiisp na paglaanan ng sapat na suweldo ang mga teacher?!

Alam niya kasi, kung ano ang tunay na kalagayan ng maliliit nating mga guro.

Tsk tsk tsk…

Mukhang sa 2016 na lang makagaganti ang mga guro sa mga politikong ubod nang pagkakapagkit sa kuwarta!      

Hoy kuwarta ng sambayanan ‘yan!

Ilan pa ang katulad ni CPL. Ryan Santos?

Dear Sir:

Ang ginawa ni Cpl Ryan Santos sa pagbabahagi niya ng kanyang pagkain sa tatlong batang kabilang sa tribu ng Yakan sa Isabela City, Basilan ay naging viral sa internet.  Maraming netizens ang nag-like at nag-share sa picture na ipinadala ni Karl Marion Ignacio na isang radio reporter sa internet.

Para kay Corporal Santos, ang kanyang ginawa ay likas lamang sa kanyang ugali na tinuruan ng magulang  na magbahagi ng ano mang grasya sa nangangailangan lalo na sa pagkain.  Sa panahon ngayon ay bihira na tayong makakita ng ganitong pagkilos.  Dahil ang nasaisip natin ang mga batang paslit ay sugo ng sindikato. Kaya atubali tayong tulungan sila.

Likas sa mga sundalo na magpakita ng kabutihan.  Ang karamihang kabutihang ginawa ng sundalo ay hindi na ilalathala sa pahayagan dahil walang reporter na nakakikita.  Kung may reporter na nakakakita bingo headline ang sundalo at viral sa internet.

Kung lahat tayo ay gagawin ang ginawa ni Cpl. Santos wala tayong kababayang magugutom.   

Maganda at matiwasay ang ating bansa.  Walang nakawan at walang karahasan. 

—FAYE A. DAYAP

[email protected]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *