Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

LizQuen, overwhelmed sa tagumpay ng Everyday I Love You

111415 lizquen
NAGKAROON ng Thanksgiving mini-presscon ang Everyday I love You na two weeks pa ring mapapanood sa mga sinehan. Ito’y pinagbibidahan nina Liza Soberano, Enrique Gil, at Gerald Anderson.

Awesome at overwhelmed ang nararamdaman ng LizQuen sa box office success ng pelikula.

Noong simula raw ng movie ay medyo may kaba dahil kakaiba ito sa Forevermore at Just The Way You Are dahil mas matured ang role nila. Nasanay daw sila sa full na rom-com. Pero nagawa naman nila itong maganda.

Isang eksena na hindi makalilimutan ng LizQuen ay noong mahulog sa hagdanan na makakain ng ‘pupu’ si Enrique. Natural daw ‘yung reaction niya sa movie at ‘yun na talaga ang ipinakita. Sey pa ni Liza, ang baho raw ng kinahulugan nila.

Muntik naman maglapat ang mga labi nila sa movie at kaunti na lang ang pagitan dahil hindi raw nag-cut si Direk Mae Cruz. Bigla na lang daw umurong si Liza kaya na-cut ang scene na ‘yun.

Hindi pa nila masagot kung sa susunod na project ay may kisssing scene na silang dalawa.

Nakikitaan ng kilig ang LizQuen dahil totoo ang feelings na ipinakikita ni Enrique sa dalaga. ‘Yung mga titig niya kay Liza ay totoo talaga.

Waiting si Enrique na sagutin siya ni Liza sa January na magde-debut na ito. Early next year din mapapanood sa ABS-CBN 2 ang bago nilang serye.

Tatanggap naman ng German Moreno Power Tandem ang LizQuen sa darating na PMPC Star Awards for TV sa December 3.

Pak!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …