Friday , September 22 2023

Umasunto sa chairman nagpahayag ng pangamba

NANGANGAMBA ang pamilya Baggang at magkapatid na Michael at Mark Anthony na nagsampa  ng kasong murder laban sa barangay chairman ng Pasay City na si Borbie Rivera ng Brgy 112, Zone 12, sa malakas na impluwensya ng opisyal sa city hall ng Pasay.

Ayon kay Mary Jane Ilustre, malapit na kaanak ng pamilya Baggang, bago pa lumabas ang warrant of arrests kina Michael at Mark Anthony Baggang, sila ay pinagbantaang reresbakan ng asuntong kahalintulad ng kasong isinampa nila laban kay Brgy. Chairman Rivera.

Inihayag ni Ilustre, hindi sila nagpatinag dahil matibay ang ebidensya ng kanilang pamilya laban sa barangay chairman na kasalukuyang nakapiit sa Makati City jail dahilan sa kasong murder o salang pagpatay kay Mark Felizardo Baggang na alyas “Dodong”.

Matatandaan, naaresto ng mga operatiba ng Southern Police District (SPD) si Brgy. Chairman Rivera noong Abril 17, 2015. Nagtataka ang pamilya Baggang kung bakit  naidawit ang magkapatid na sina Michael at Mark Anthony sa isang insidente ng pamamaril sa Barangay Hall ng Brgy. 134, Zone 13 ng Pasay.

Sinasabing kabilang sa tumatayong complainant sa kaso ay ang sinasabing kumpareng buo ni Capt. Borbie na si Brgy. 134, Zone 13 Chairman Maynard Alfaro, na sinasabing dawit din sa pagpatay sa kanilang kapatid na si Dodong. Si Chairman Alfaro ay ‘at large’ o nagtatago pa rin sa batas, iyon ay sa bisa ng inilabas na warrant of arrest ni Makati City Regional Trial Court (RTC) Branch 59 Judge Winlove Dumayas.

Ayon sa tumatayong legal counsel ng magkapatid na Baggang na si Atty Raymond Fortun, maraming iregularidad sa pag usad ng kasong isinampa laban sa kanyang kliyente. Isa rito ang hindi nila pagtanggap ng ano mang kopya ng dokumento o noticed sa Pasay City Regional Trial Court (RTC) Branch 119 sa sala ni Judge Pedro de leon Gutierez.

Aniya kaduda-duda rin ang salaysay ng dalawang bagong saksi sa kaso na wala sa 11 orihinal na eye-witnessed sa panyayari. Sinabi pa ni Fortun ibinasura ng korte ang kanilang kahilingan na makita ang kopya ng kuha CCTV Camera na isa sa sinasabing ebidensiya ng prosekusyon.

Sinabi ni Fortun, nakatakda nilang ihain sa korte ngayong linggo ang mosyon na kumukwestiyon sa inilabas na warrant of arrest sa magkapatid na Baggang dahilan sa nabanggit na mga iregularidad.

About Jaja Garcia

Check Also

DOST XII holds 3-day celebration for RSTW

DOST XII holds 3-day celebration for RSTW

THE Department of Science and Technology (DOST) Region XII celebrated for three days from Sept. …

My Plantito Kych Minemoto Michael Ver

My Plantito fan meet dinaluhan ng mga Pinoy BL community at iba pang tagapagtangkilik

NAGKAROON ng pagkakataon ang mga masugid na tagapanood ng kauna-unahang BL (Boy-Love) na serye ng …

Aiko Melendez Eddie Garcia

Aiko dapat nang ipasa ang ‘Eddie Garcia’ bill 

HINIMOK ni Quezon City Councilor Aiko Melendez ang Senado na ipasa ang tinatawag na “Eddie Garcia” bill, …

Domingo de Dolores Pakil, Laguna Sun Ring Rainbow

Sa Pakil, Laguna
IKA-235 PAGDIRIWANG NG DOMINGO DE DOLORES MGA DEBOTO GINULAT NG MALA-KORONANG SINAG NG ARAW

PINAG-ALAB ang pananampalataya ng mga deboto nang sila’y gulatin ng mala-koronang sinag ng araw na …

fire sunog bombero

International school sa QC, nasunog

SA kalagitnaan nang isinasagawang fire drill, biglang lumiyab ang apoy sa Starland International School (SIS) …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *