Thursday , December 26 2024

“Lambat Sibat” sa Marikina, kakaiba?

00 aksyon almarPAANO kaya kung hindi mamamahayag si Edmar Estabillo, reporter ng DZRH?

Buhay pa kaya ang mama hanggang ngayon? Mabuti na lamang at isa siyang mamamahahayag kung hinbdi mas malala pa ang nangyari sa kanya.

Kaya dear readers, mag-ingat kayo sa mga Marikina pulis ‘este hindi naman lahat ng pulis sa Marikina Police Station ay pulpol.

Naguguluhan ba kayo dear readers? Ganito ‘yon. Nitong Nobyembre 10, 2015, dakong 7:45am, nagpunta sa Marikina Police Station si Estabillo para alamin kung mayroon magandang istorya na puwede niyang ibhrodkast sa kanilang estasyon para malaman ng mamamayan kung ano o ang mga nagaganp sa lungsod.

Pagpasok niya sa presinto, walang tao o iyong naka-duty na desk officer sa harapan. Kung baga, inabandona ng desk officer ang kanyang assignment. Dumeretso pa rin si Estabillo at kanyang nakasalubong si SPO2 Manuel Laison na mula sa investigation room.

Ayon kay Estabillo, hiniling niyang kay Laison kung puwede niyang silipin ang blotter. Hayun, pabalagbag o aroganteng sinagot daw siya ni Laison kung sino siya kaya nagpakilala nang reporter si Estabillo. Hinanapan din siya ng ID na paarogante rin.

Maya-maya, inaresto na raw siya ni Laison dahil dinuduro daw siya ni Estabillo… at pilit na dinala sa investigation room na ipinagtataka ni Estabillo. Pero base sa isang anggulo ng nakuhang kopya ng CCTV ni Benny Antiporda, National Press Club Vice President, taliwas ang pinagsasabi ni Laison na pinagduduro siya ni Estabillo kaya inaresto at pilit na binitbit sa investigation room.

Sa investigation room, kinompiska ni Laison ang cellphone ni Estabillo nang tumawag para ipaalam ang nangyayari sa kanya. Taliwas din ito sa kalakaran na dapat payagan ang sinomang inaresto na tumawag sa kaanak para ipaalam ang pag-aresto sa kanya.

Sa CCTV, maya-maya makikitang lumabas si Estabillo sa investigation room at walang awang binalya at pinosasan siya ni Laison. Makikita rin na hindi nanlaban si Estabillo taliwas sa sinasabi ni Laison na nanlaban si Estabillo kaya niya inaresto o itinuring na parang kriminal – mamamatay tao, most wanted ng bansa etc.

Gen. Artemio Marquez, PNP chief, mukhang ibang klase yata ang pagpapatupad ng Marikina Police sa Oplan Lambat Sibat mo. Kakaiba.

Ang masaklap, pinanonood pa ng ilang pulis ang “overkill” na ginawa ni Laison kay Estabillo. Isa pa nga sa mga nanonoog lamang sa insidente ay tinulungan si Laison. Inabutan niya ng posas si Laison at saka tumalikod na parang walang nangyari at panay tingin sa relo niya.

Kaya dapat din isama sa imbestigasyon ang mga pulis na naging iresponsable sa overacting na pag-aresto kay Estabillo.

Makaraan, ipinasok uli si Estabillo sa investigation room at tuluyan nang kinasuhan ng direct assault, unjust vexation at simple disobedience sa Marikina Prosecutors Office.

Anak ng…pusa, kung pagbabasehan ang CCTV, taliwas ang lahat – ang sabing pinagduduro ni Estabillo ang pulis kaya siya’y inaresto. O sige, ipagpalagay natin totoong naging arogante si Estabillo. Tama ba iyong ituring nang isang kriminal si   Estabillo? Ano pa man, hindi natin alam kung ano pa ang ibang nangyari sa investigation room. Kaya inirerespeto din natin ang panig ni Laison na hindi raw iginalang ni Estabillo ang kanyang uniporme. Sige, pero tama bang ituring na parang isang hayop si Estabillo? Paano na kaya kung hindi mamamahayag si Estabillo at isa siyang tambay o mangangalakal?  Malamang na lalabas na nang-agaw ng baril sa loob ng presinto kapag minalas-malas.

Hindi naman siguro gagawin ‘yon sa Marikina.

Sa insidente, agad ipinag-utos ni Chief Supt. Elmer Jamias, EPD Director, ang pag-relieve sa posisyon kay Laison habang iniimbestigahan ang insidente pero sa kabila ng relieve order, si Laison pa uli ang naglagay ng posas kay Estabillo nang dalhin sa korte para kasuhan.

Ayos!

Director Joel D. Pagdilao, NCRPO chief, mukhang malaking hamon yata sa inyo ang attitude ni Laison. Tutal relieved muna siya, ano kaya kung pansamantalang italaga muna sa Mindanao para itapat sa ASG. Ang tulad kasi ni Laison ay kailangan natin para masugpo ang ASG. Sayang siya – isa siyang magaling na pulis…at malamang na pakikinabangan siya ng bayan kapag inilaban sa ASG. Malamang ubos ang ASG kapag si Laison ay ang itinaalaga roon.

‘Nga pala, si Madelyn Dominguez , Manila Bulletin ay nakaranas noon ng harassment sa kamay ni Laison kaya na-relieved din noon pero di nagtagal nakabalik si Laison sa Marikina. Ang lakas!

Kaya PNP chief, Director Gen. Ricardo Marquez at NCRPO chief, Director Pagdilao, your attention is badly needed. Mukhang kakaiba yata  ang pagkakaintindi ng ilang pulis-Marikina sa Lambat Sibat. Dapat siguro na ipaliwanag mabuti sa kanila ang oplan. Pero batid natin na maraming pulis-Marikina ang nakaiintindi kung ano ang Oplan LS.

Yes, saludo pa rin tayo sa matitinong pulis ng Marikina.

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *