MAY ilang mga barrio ang tunay na masusuwerte. Ito ang paniniwala ng maraming residenteng naninirahan malapit sa isang barrio sa High Rock sa Wanghin area ng Thailand.
Umani ng atensiyon ang High Rock kamaikailan sa pagdagsa ng mga turista, at usisero na rin, sanhi ng pinakabagong resi-denteng isinilang dito—isang hayop na tunay na kakaiba, na ang anyo ay hybrid sa pagitan ng buwaya at kalabaw.
Ang may-ari ng kakaibang bagong-silang, na ipinanganak nang normal na ka-labaw, ay naniniwalang ang paglitaw ng binansagang ‘kalabuwaya’ ay indikasyon ng masagana’t maligayang kinabukasan para sa kanyang pamilya.
Gayon din naman ang pananaw ng iba pang mga naninirahan sa High Rock, habang naitatanong din naman kung paano ang ganitong uri ng hayop ay makapagbibigay o makakapagdala ng ano mang uri ng suwerte. Ang pananaw na ito ay boses ng iilan lang, mas naging vocal minority ito sa sandaling ang kalabuwaya, o ‘crocalo’ ay nalagutan ng hininga makaraang ang tatlong oras pagkasilang. Gayon pa man, sa pagkamatay nito’y nagtipon pa rin ang mga lokal na residente para magsindi ng insenso at manalangin sa kapangyarihang supernatural para sa pagpapala sa kanilang maliit na komunidad na binubuo ng 300 naninirahan.
Sa pagpanaw ng kalabuwaya, inilatag ang labi, na umaabot sa anim na talampakan ang haba mula sa nguso hanggang sa puwitan at tumitimbang ng 34 libra.
Makikita ang ulo nito, itaas na bahagi ng katawan at likod na bahagi ng mga binti sa hulihan ay nababalot ng kaliskis tulad sa buwaya habang ang dalawang binti sa harapan ay mabalahibo. Mayroon din mga paa tulad ng sa kalabaw ngunit walang mga ngipin na makikita sa mga buwaya. May buntot din itong tulad sa pangkaraniwang kalabaw.
Kinalap ni Tracy Cabrera