Saturday , November 23 2024

Elevators, escalators ng MRT-3 maaayos pa ba? (Anong petsa na Secretary Jun Abaya?)

MRTSA KABILA ng mga reklamo at paghihirap ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) commuters, hihintayin pa kaya ni Department of Transportati0n and Communications (DoTC) Secretary Joseph Emilio A. Abaya, Jr., na tapusin ang anim na buwan bago ideklarang palpak ang trabaho ng mga kompanyang nakakuha ng kontrata para sa rehabilitasyon ng 34 escalators at 32 elevators nito?!

Nahihiwagaan tayong masyado sa operasyon ng MRT-3. Multi-milyong piso ang ginagastos diyan para sa maintenance pero mula yata nang buksan sa publiko ang MRT-3 hanggang sa kasalukuyan  ay puro dis-grasya at kunsumisyon ang napala ng commuters.

Sa totoo lang, napakalaki ng budget na inilalaaan ng pamahalaan para sa operasyon ng MRT-3.

At hindi lang ito konsentrado sa iisang kompanya, maraming kompanya ang kakontrata ng gobyerno para umano sa maayos na operasyon ng MRT-3.

Pero ang tanong, maayos nga ba?!

Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, napakasakit tingnan na mayroong mga PWDs, senior citizens at mga paslit na estudyante, mga babae at buntis na hirap na hirap sa pag-akyat sa MRT-3 kasi nga wala nang elevator, wala pang escalator.

Magkano ang kinikita ng MRT-3 mula sa commuters araw-araw?!

Alam nating mas mura ang gastos ng commuters sa transportasyon kung sa MRT sumasakay, papasok sa trabaho at pauwi sa kanilang tahanan, pero dapat bang maging katapat ng mura ay walang kuwenta at mapagparusang mass transportation?!

Napakalaki ng suweldo ng mga opisyal ng MRT-3 tapos ganyan lang ang serbisyong kaya nilang ibigay sa commuters?!

Bukod sa suweldo, mayroon pang mga perks and privileges na nakukuha ang mga opisyal ng MRT-3 at DoTC diyan.

Ito, tingnan po ninyo ang datos na ito…

Ayon sa DoTC mismo, nakuha ng International Elevator & Equipment Inc. (IEEI) ang kontrata para imantina ang elevators at escalators ng MRT-3 sa halagang P8.17 milyon.

Hawak ng IEEI ang exclusive rights para sa distribusyon ng Mitsubishi elevators and escalators sa bansa.

Pero ang rehabilitation contract ng 12 Schindler brand escalators ay nai-award sa Jardine Schindler.

Habang ang six-month maintenance contracts sa iba pang components ng MRT-3 ay nai-award sa German-Filipino group na Schunk Bahn-und Industrietechnik GmbH – Comm Builders & Technology Phils. Corp.

Ang nasabing Joint Venture ay nakakuha ng P131.28 milyong kontrata para sa rolling stocks, depot equipment and signalling of the train system.

Habang ang P23.9 milyong kontrata ng rail tracks at permanent ways component ay nai-award sa Jorgman-Korail-Erin Marty Joint Venture.

Ang P23.35 milyon para sa pagmamantina ng gusali at  iba pang pasilidad ay nakuha ng Global Epcom Services, Inc.

Nakuha ng Trilink Technologies Inc., ang P7.28 milyong kontrata para sa upgrade and maintenance ng communications systems para sa koordinasyon ng mga operasyon.

Ang Future Logic Corp., ang nakakuha ng P6.95 milyong kontrata para sa ticketing.

Para sa power supply nakuha ng MRAIL Inc., isang unit ng Manila Electric Co., mula sa DoTC ang P42.23 milyong kontrata ng MRT-3.

Secretary Jun  Pabaya ‘este’ Abaya, “worth it” ba ang serbisyong ipinagkakaloob ng MRT-3 sa commuters kapalit ng milyon–milyong piso mula sa kaban ng bansa?!

Iisa lang po ang sigaw ng commuters — HINDI!

At may pahabol na tanong — kanino kayo nanghihiram ng KAPAL NG MUKHA?!

‘Yun lang!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *