Saturday , November 23 2024

Elevators, escalators ng MRT-3 maaayos pa ba? (Anong petsa na Secretary Jun Abaya?)

00 Bulabugin jerry yap jsySA KABILA ng mga reklamo at paghihirap ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) commuters, hihintayin pa kaya ni Department of Transportati0n and Communications (DoTC) Secretary Joseph Emilio A. Abaya, Jr., na tapusin ang anim na buwan bago ideklarang palpak ang trabaho ng mga kompanyang nakakuha ng kontrata para sa rehabilitasyon ng 34 escalators at 32 elevators nito?!

Nahihiwagaan tayong masyado sa operasyon ng MRT-3. Multi-milyong piso ang ginagastos diyan para sa maintenance pero mula yata nang buksan sa publiko ang MRT-3 hanggang sa kasalukuyan  ay puro dis-grasya at kunsumisyon ang napala ng commuters.

Sa totoo lang, napakalaki ng budget na inilalaaan ng pamahalaan para sa operasyon ng MRT-3.

At hindi lang ito konsentrado sa iisang kompanya, maraming kompanya ang kakontrata ng gobyerno para umano sa maayos na operasyon ng MRT-3.

Pero ang tanong, maayos nga ba?!

Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, napakasakit tingnan na mayroong mga PWDs, senior citizens at mga paslit na estudyante, mga babae at buntis na hirap na hirap sa pag-akyat sa MRT-3 kasi nga wala nang elevator, wala pang escalator.

Magkano ang kinikita ng MRT-3 mula sa commuters araw-araw?!

Alam nating mas mura ang gastos ng commuters sa transportasyon kung sa MRT sumasakay, papasok sa trabaho at pauwi sa kanilang tahanan, pero dapat bang maging katapat ng mura ay walang kuwenta at mapagparusang mass transportation?!

Napakalaki ng suweldo ng mga opisyal ng MRT-3 tapos ganyan lang ang serbisyong kaya nilang ibigay sa commuters?!

Bukod sa suweldo, mayroon pang mga perks and privileges na nakukuha ang mga opisyal ng MRT-3 at DoTC diyan.

Ito, tingnan po ninyo ang datos na ito…

Ayon sa DoTC mismo, nakuha ng International Elevator & Equipment Inc. (IEEI) ang kontrata para imantina ang elevators at escalators ng MRT-3 sa halagang P8.17 milyon.

Hawak ng IEEI ang exclusive rights para sa distribusyon ng Mitsubishi elevators and escalators sa bansa.

Pero ang rehabilitation contract ng 12 Schindler brand escalators ay nai-award sa Jardine Schindler.

Habang ang six-month maintenance contracts sa iba pang components ng MRT-3 ay nai-award sa German-Filipino group na Schunk Bahn-und Industrietechnik GmbH – Comm Builders & Technology Phils. Corp.

Ang nasabing Joint Venture ay nakakuha ng P131.28 milyong kontrata para sa rolling stocks, depot equipment and signalling of the train system.

Habang ang P23.9 milyong kontrata ng rail tracks at permanent ways component ay nai-award sa Jorgman-Korail-Erin Marty Joint Venture.

Ang P23.35 milyon para sa pagmamantina ng gusali at  iba pang pasilidad ay nakuha ng Global Epcom Services, Inc.

Nakuha ng Trilink Technologies Inc., ang P7.28 milyong kontrata para sa upgrade and maintenance ng communications systems para sa koordinasyon ng mga operasyon.

Ang Future Logic Corp., ang nakakuha ng P6.95 milyong kontrata para sa ticketing.

Para sa power supply nakuha ng MRAIL Inc., isang unit ng Manila Electric Co., mula sa DoTC ang P42.23 milyong kontrata ng MRT-3.

Secretary Jun  Pabaya ‘este’ Abaya, “worth it” ba ang serbisyong ipinagkakaloob ng MRT-3 sa commuters kapalit ng milyon–milyong piso mula sa kaban ng bansa?!

Iisa lang po ang sigaw ng commuters — HINDI!

At may pahabol na tanong — kanino kayo nanghihiram ng KAPAL NG MUKHA?!

‘Yun lang!

SOJ Ben Caguioa what’s happening inside Immigration Room 426?

Alam kaya ni DOJ Secretary Ben Caguioa ang “Special Privilege” na tinatanggap ngayon ng isang Atty. Arnulfo Maminta ng Bureau of Immigration (BI) – Legal Division?

What is so special about Atty. Maminta dahil tila siya raw ngayon ang flavor of the month nitong si BI Comm. SigFraud ‘este’ Siegfred Mison?

Maraming nakapapansin na ang Room 426 where Atty. Maminta holds his office ay tila parang tiangge at kataka-taka raw ang dami ng mga tao rito.

Ating napag-alaman na ang office pala ni Atty. Maminta ngayon ang sentro ng visa processing sa Bureau!

Wowowee!!!

One-stop shop pala ang peg ng office na ‘yan!?

Walastik, meron na palang ganyan ngayon diyan?!

Hindi ba napakarami namang kegal officers diyan sa Immigration 4th floor?

E bakit ang balita raw ay si Paminta ‘este’ Maminta ang “the only one” na designated ni Comm. Fred ‘greencard’ Mison para mag-process ng iba’t ibang klaseng pitsa ‘este’ visa sa bureau?

Ang balita pa, madalas daw inaabot ng dis-oras ng gabi sa kasipagan si Atty. Maminta para lang i-process ang mga working visas sa opisina niya?

Hala, ‘e paano na kaya ang mga nocturnal extra-curricular nitong si attorney?

Hindi ba balitang-balita sa BI main office na ‘mabait at very accomodating’ daw si Atty. Maminta sa OJTs?

Totoo ba ‘yan, dwarfy???

Anyway, I smell something fishy on this one. Mukhang may naaamoy akong malansa sa Room 426.

Isipin na lang kung gaano katalas si Commissioner Integrity. Makalulusot ba ang ganitong sistema kung walang basbas si Maminta?

Bakit ‘kan’yo?

Ang sabi kasi ng mga urot natin diyan sa Bureau, matapos daw i-designate ang iba’t ibang opisyales ng Bureau papuntang Airports, Subports, Intelligence, etc., tanging ang “tiangge con oficina” nitong si Atty. Paminta ‘este’ Maminta ang tanging hindi ginagalaw ni Pabebe-Commissioner?

Aside from that, very unusual daw ang dami ng staff sa Room 426 na ‘yan. Ating napag-alaman, may ibang nagtatrabaho riyan na hindi naman CA o lehitimong empleyado ng Bureau.

Aba’y saan galing ang ipinasusuweldo sa sandamakmak na staff ng opisinang ‘yan?

Labas-masok din daw ang travel agents at nakikitang sila pa mismo ang nagkakalkal ng folders sa misteryosong kuwarto ni Atty. Arnulfo Maminta?

What the fact?!

Aba ‘e hindi ba bawal ‘yan?! That is a no! No! No! sa administrasyon ng anak ni Mang Badong unless or otherwise allowed by Comm. ‘Pabebe.’

Hon. SOJ Ben Caguioa, may nakapagsabi na po ba sa inyo tungkol sa latest happenings sa Room 426 “One-Stop Shop” sa 4th Floor ng BI-Main Office?

Subukan po kaya ninyong pasyalan at paimbestigahan at baka sakaling may madiskubre kayong misteryo tungkol dito!

May pagbabago ba sa Guiguinto sa ilalim ni Yorme Boy Cruz?

‘Yan ang laman ng usapan sa mga umpukan ngayon ng ilang mga residente sa bayan ng GUIGUINTO, BULACAN kaugnay sa kung ano ba ang mga nagawa at pagbabago ng kasalukuyang administrasyon sa local na pamahalaan ng nasabing lugar.

Sa panahon daw kasi ng dating mga nakaupong opisyal sa Guiguinto, Bulacan ay nakita ang pag-asenso sa kanilang bayan na sunod-sunod ang pagpasok ng mga negosyante at establisyemento gaya ng WALTER MART, PUREGOLD at warehouses kaya napakarami ang nabigyan ng trabaho dahil prayoridad ang mga Guiguinteño.

Ngunit ngayon daw ay tila parang napako ang pag-asenso sa kanilang bayan at wala nang bagong investor ang pumapasok para sa karagdagang trabaho sa mga taga-Guiguinto.

“Bakit parang dumilim na naman ang pamumuhay sa atin bayan?” tanong ng isang senior citizen.

Paano na ang kinabukasan ng mga kabataan kung talamak ang pagkalat ng ilegal na droga ngayon sa Guiguinto?

Laganap ang bentahan ng shabu at marijuana sa Brgy. MALIS, Brgy. TIAONG (FANTASY, LAWA, UGONG, KABUKIRAN, CUTCUT, PULONG-GUBAT) at Brgy. TABE sa  ilang pilahan ng tricycle kaya tukoy kung sino-sino ang mga tulak!

Nagkalat ang mga demonyong video karera sa bayan ni Mayor Boy Cruz.

Grabe ang sira ng mga kalsada dahil sa mga dump truck na nagtatambak sa mga ginagawang subdivision.

Kaya naman sa darating na eleksiyon ay ipakikita na ng mga taga-Guiguinto ang ninanais nilang pagbabago na sa kanilang bayan.

Gets mo na ba Mayor Boy Cruz!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *