Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

May dalang bala huli may droga lusot

00 firing line robert roqueMARAMING pasahero ng eroplano ang nagreklamo na nabiktima umano sila ng raket na tinaguriang ‘tanim-bala’ sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Nagulat daw sila nang sabihin ng mga awtoridad na may nakitang bala ang X-ray screener sa loob ng kanilang bagahe. Paano umano mangyayari ito samantala wala silang dalang bala at hindi nila gagawin ito dahil alam nilang bawal?

May umamin din naman na may dala silang bala bilang anting-anting na pantaboy raw ng masasamang espirito. Pero may nagsabi rin na napilitan lang silang umamin na may bala na anting-anting at magbayad ng multa para makaiwas sa pagkakakulong at hindi maabala sa pupuntahan.

Malaking kahihiyan ang dulot nito sa ating bansa. Ang United Nations ay nagbabala sa staff nito laban sa tanim-bala scam sa NAIA.

Binatikos din ang tanim-bala ng Fox News anchor na si Greta Van Susteren sa kanyang segment na “Off the Record.” Binigyan daw siya ng tip ng isang kaibigang Filipino-American na ang mga biyahero ay tina-target ng Filipino security officials ng paliparan para taniman ng bala ang kanilang bagahe.

Kasunod nito ay huhulihin sila dahil sa bala na natagpuan sa kanilang bag. Sasabihan daw ang inaresto na puwede nilang bayaran ang multa o manatili na lang sa kulungan para harapin ang kaso.

Namamayagpag sa kasalukuyan ang screeners ng Office for Transportation Security (OTS) sa pagtukoy kung sino sa mga mag-a-abroad ang may dalang bala sa loob ng kanilang bagahe. Isang bala lang ang palagiang nakikita sa mga nahuhuli.

Kaya marami ang nagtataka kung bakit hindi natunugan ng naturang maaasahang screeners ang ilegal na droga na dala ng apat na Filipina palabas ng bansa.

Apat na Pinay ang inaresto pagdating nila sa Hong Kong dahil sa pagpupuslit ng 2.5 kilos ng cocaine. Ang isang bala ay natutukoy ng X-ray screeners pero ang 2.5 kilos ng droga ay hindi? 

Hindi sana maaaresto sa abroad ang mga kababayan natin kung natuklasan lang ng screener na may droga silang dala bago pa sila umalis s Filipinas.

Kapag minalas-malas ay baka mahatulan pa ang apat na Pinay ng kamatayan na kadalasang parusa sa nahuhuling “drug mules,” dahil lang sa kapalpakan ng screener.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …