Thursday , December 26 2024

Kitchen One ng V. Roque Corp. delingkwente na in bad faith pa!

00 Bulabugin jerry yap jsyMARAMI bang kliyente ang Kitchen One ng V. Roque Corp., at hindi nila nahaharap ang mga reklamo ng kanilang mga kliyenteng naagrabyado sa kanilang serbisyo?!

Halimbawa na lang nga ang kaibigan natin na nag-full payment para sa installation ng kanyang kitchen.

Pinili niya ang Kitchen One ng V. Roque Corporation, dahil makers daw sila ng customize kitchen at sila umano ay “industry leader and country’s premier manufacturer.”

Pero sa realidad ay napakalayo nito.

Nakunsumi lang nang husto ang kaibigan natin dahil matapos nga niyang magbayad nang buo… repeat: FULL PAYMENT para sa installation ng kanyang kitchen ‘e biglang ‘nganga’ na sila sa kahihintay kung kailan mai-install ang nasabing kitchen.

Nang ma-install naman, hindi eksakto ang mga sukat, kaya puro awang.

Aba ‘e nagsukat pa ang V. Roque hindi naman sakto.                     

Mukhang sa singilan lang mabilis pero makupad at palpak naman sa serbisyo.

Again, ang nakaiinis dito ‘e ‘yung rason ng V. Roque, nagkaroon daw sila ng problema sa mga installers nila dahil sa isyu ng allowances.

Huwag ninyong ipasa sa customer ang labor problem ninyo!

Ano ang paki ng nag-full payment na customer sa labor disputes ninyo?!

Bayad ang customer at kung may problema kayo sa installers ninyo, problema ng kompanya n‘yo ‘yan at hindi ng customer!

Be professional naman Kitchen One & V. Roque. Ang yabang ng profile ninyo… “since 1977… an industry leader and the country’s premier manufacturer of modular kitchens, cabinets, closets, and doors.”

Aba ‘e kung 38 years na kayo sa industriya dapat mayroon na kayong reserbang installers. Ayaw ko namang sabihin na may kostumbre kayong manunuba kung bakit nilalayasan kayo ng installers ninyo.

Kung diyan kayo umasenso at diyan kayo nagkaroon ng pangalan sa industriya, dapat minamahal rin ninyo ang mga installer at customers ninyo.

‘E parang one-way ang pakikitungo ninyo sa customer ninyo.

Kung bayad na ‘yan, gawin ninyo ang lahat ng paraan para tuparin ninyo ang serbisyong dapat na ipagkaloob ninyo sa kanila.

Ayusin ninyo ang serbisyo ninyo dahil BA-YAD na KAYO!

Sen. Lito ‘Boy Fertilizer’ Lapid nakapagpiyansa sa fertilizer scam

MAHABA pa rin talaga ang suwerte nitong si Sen. Lito Lapid.

Aba, e napayagan pang makapagpiyansa sa asuntong kinasasangkutan ng P728-M fertilizer scam.

At huling balita natin ay humihingi pa ng konsiderasyon sa Ombudsman na muling busisiin ang asunto dahil hindi naman daw talaga siya kasama roon.

Aabalahin pa ang Ombudsman, ibig sabihin back to square one?!

Anyway, karapatan naman niya iyon bilang taong naghahangad umano ng katarungan.

Pero ano naman kaya ang epekto niyan sa kandidatura (senador) ng kanyang anak na si dating TIEZA formerly Philippine Tourism Authority (PTA) GM & COO Mark Lapid?!

Malamang makalkal pati ‘yung dollar salting ng kanyang nanay, kahit nga nagpasilbihan na niya ang sentensiya sa asuntong ito.

E how about TIEZA?       

Ano ba ang nagawa ni GM/COO Mark Lapid diyan?!

Tahimik na tahimik kasi ang kanyang panunungkulan sa nasabing ahensiya (PTA) na later on ay naging GOCC (TIEZA).

Na-audit na ba ng Commission on Audit (COA) ang pondo ng TIEZA?

Wala kayang sablay diyan si CEO Mark?!

Sana naman, wala nga kasi baka mapuno na ng asunto ang pamilya Lapid…

Tsk tsk tsk.         

Kudos to ISAFP

ISANG masigabong pagbati ang ating ipinaaabot sa mga miyembro ng ISAFP diyan sa Camp Aguinaldo na siyang nakahuli sa South Korean fugitive na si Cho Seong Dae na makailang ulit tumakas sa kustodiya ng ilang personalidad na pinagkakatiwalaan ng isang high ranking official diyan sa BI.

To set the record straight, ito ho ‘yung mga lehitimong ISAFP na siyang nakatalaga diyan sa Camp Aguinaldo at hindi ‘yung mga “ROGELIO” na siyang pinagkakatiwalaan ng isang mataas na opisyal ng nabanggit na ahensiya.

Ayon kasi sa ating nasagap na balita, sa dalawang ulit na pagtakas ng puganteng Koreano, parehong sa kamay o sa custody ng kanyang mga pinagkakatiwalaang ‘kulisap’ nangyari ang napakasama at nakahihiyang insidente.

Sabagay very irresistible naman talaga lalo na kung ‘manukan’ ang pinag-uusapan, ‘di ba?

Any comments on this, Mr. “Kupas” and Hagtay!?  

Pero sa kabila ng sandamakmak na kapalpakan ng mga bata-batuta ni pabebe official, pinilit pa ring pagtakpan sa media ang totoong istorya ng pagtakas.

At ito namang mga nasangkot at nagkasalang ‘ROGELIOs’ na pinagkakatiwalaan ni self-proclaimed, Mr. Integrity high official ‘kuno’ ay nagawa pang ilipat sa isang magandang destino at itinaas pa nang hindi hamak ang kanilang mga sweldo!

Whattafact?! Hindi ba sobrang kapal naman ng mukha ng high ranking official na yan?!

BI spokesperson Atty. Elaine ‘sepsep’ Tan, ni wala yatang praise release na nangyari tungkol sa muling pagkakadakip kay Cho sa Laguna at tila may pinagtatakpan pa na kung ano ang feeling pabebe na high ranking opisyal.

Isang araw bago raw muling mahuli sa Pagsanjan, Laguna si Cho Seong Dae, alam na raw ng mga totoong ISAFP kung nasaan ang exact location nito, pero pinilit daw ng matitikas na apprehending officers na ikubli ang kompletong detalye sa dahilang wala na raw tiwala sa mga tropa ni BI high ranking official na naging super sikat lalo na sa mga Koreano dahil sa bisyo nitong pagpapatakas!

Araykupo!!!

Orange video karera untouchabale sa Maynila!

SIR Jerry bakit hndi imbestigahan ng NCRPO ARD ang mga pulis na nasa likod ng operasyon ng mga Video Karera lalo na ang ORANGE B-L vk sa Maynila? Sir, INFO pa sir, sina BIGBOY PULIS at BUTCH-OY nasa likod nito. Kahit itanong ninyo kay SANDOVAL at MUPAS. +63915911 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *