PINANINDIGAN ni Sarah Geronimo na hindi siya mag-i-endorse ng politiko sa darating na election sa 2016. Marami kasi siyang natutuhan noong time na nag-endorse siya.
“Hindi lang isa, dalawa o tatlo pa sabay-sabay; minsan may magkaiba pang party. Parang sabi ko, hindi tama ito,” bulalas niya nang makatsikahan sa prescson para sa kanyang concert sa Araneta Coliseum sa December 4 and 5 sa Araneta Coliseum titled From The Top.
Sey pa niya, ”Kung anuman ang ibinigay ko na contribution noon as an endorser, heartfelt naman po ‘yon. Hindi siya pagkakamali, eh, lesson lang siya the next time na gawin mo ulit, kasi hindi siya biro,” deklara pa niya.
Basta sa sususod na mag-endorse siya ng politiko, titiyakin niya na pinaniniwalaan niya ito. Stand niya ito bilang mamamayang Filipino at hindi bilang isang artista.
Pak!
TALBOG – Roldan Castro