Friday , November 15 2024

Sabungan sa Roligon may mini-casino na ngayon!? (Attention: NCRPO RD Gen. Joel Pagdilao)

 

00 Bulabugin jerry yap jsyDATI ay kilala ang Roligon sa may Tambo Parañaque bilang isang sikat na sabungan.

Katunayan dinarayo ito ng mga kilalang aficionado ng sabong.

Pero nagulat tayo nang makatanggap tayo ng impormasyon na mayroon na palang mini-casino ngayon sa loob ng Roligon.

Mayroong color games, card games at iba pa.

Itinuturo ang isang alyas BERNARD GINTO na siyang operator ng nasabing mini-casino.

FYI po, NCRPO chief, Gen. Joel Pagdilao, Sir!

Ayon sa mga pulis na nakakausap natin diyan sa Tambo, Parañaque PCP hindi raw nila pwedeng pakialaman ‘yan dahil mayroong utos mula sa itaas.

Parañaque chief of police, S/Supt. Ariel ‘overstaying’ Andrade, Sir, sino po kaya o saan kaya ‘yung tinutukoy na ‘ITAAS’ ng mga lespu ninyo?!

Baka may ibang ‘ITAAS’ nang nakikialam diyan sa teritoryo ninyo ‘e paki-check-check lang…

Alam kong medyo nababagot ka na dahil mukhang monotonous na ang trabaho mo riyan sa Parañaque.

Kumbaga, kapadong-kapado na ninyo ang pasikot-sikot dahil mahigit dalawang taon ka na rin namang nagrerekorida sa Parañaque area.

Kaya naman gusto nating tawagin ang atensiyon ninyo sa MINI-CASINO na ito sa ROLIGON kasi baka nakalalampas na sa matalas na pang-amoy ninyo.

Pakisudsod lang po, Kernel Andrade dahil baka maunahan pa kayo ni Gen. Pagdilao.

‘Yun lang ho!

Iba ang Ombudsman ngayon under Madam Conchita Carpio-Morales

IBANG klase talagang magtrabaho si Madam Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Mabilis magresolba ng mga kaso at ayaw na tumataas ang mga envelope at folders sa kanyang paligid.

Hindi gaya dati na hindi lang natutulog kundi tinitirhan na ng anay ang mga folder at envelope ng sandamakmak na asunto laban sa mga abusadong opisyal ng pamahalaan.

Sa ilalim ng administrasyon ni Madam Conchita Carpio-Morales, ‘bawal’ ang tutulog-tulog, isampa ang mga kasong dapat isampa, at resolbahin ang mga kasong dapat resolbahin.

Ganyan katulin umaksiyon ang Ombudsman ngayon!

Mabuhay ka, Madam Conchita Carpio-Morales!

By the way, ipinatatanong lang po ng mga suki nating Manileño kung kumusta na raw po ‘yung kaso ng ghost employees sa Manila City Hall?

Ganoon din po ‘yung asunto ng kinamkam na barangay RPT shares?!

Maraming salamat daw po kung maaaksiyonan na agad ang mga kasong ito na matagal-tagal na rin naka-file diyan sa Ombudsman…

Pampasikip na rin siguro ‘yan sa Ombudsman kaya kailangan na sigurong resolbahin agad-agad…

Inuulit ko po, Madam Ombudsman, maraming salamat sa mabilis ninyong aksiyon!

Ang mahiwagang backpack ni Mr. Immigration Bagman

MAYROON isang kuwento ng ‘kasuwapangan sa kuwarta’ diyan sa Bureau of Immigration (BI).

Kilalanin natin ang bidang-bida sa kolektong na si Mr. Backpack alyas Mr. Listerine, ang official ‘HATCHET MAN’ ng isang BI official…

Isang araw umano, habang abala si Mr. Listerine aka bagman sa pagbibilang ng laksa-laksang kuwarta sa ibabaw ng kanyang mesa ay biglang pumasok ang isang empleyado at siya ay nakita sa ganoong itsura.

Aba ‘e napalundag daw sa gulat si Mr. Bagman saka biglang kinabig ang lahat ng kuwarta na nasa kanyang mesa, papasok sa loob ng kanyang backpack.

Sonabagan!!!

Kaya huwag kayong magtaka kung bakit laging nakikitang naka-backpack si Mr. Bagman aka Listerine…

Naku, baka mabasa ito ng mga holdaper at riding-in-tandem ‘e abangan si Mr. Bagman sa harap ng BI main office.

‘E ang dali pa naman niyang makilala.

Basta ‘yung may backpack sa likod na tila bigat na bigat dahil sa dami ng laman na kuwarta, siya na ‘yun!                  

Ingat-ingat Mr. Bagman aka Listerine!

MTPB nag-iipon na ba ng pambaon!?

SIR hayop talaga mga tauhan ng MTPB, mga mamimitsa sir lalo na sa lugar ng J. Luna at Dasmariñas St., diyan sa Binondo, ang pangalan po ay MONTON. Nakatago sa madilim na bahagi sa nasabing lugar tpos biglang lalabas at manghaharang ng sasakyan at paborito po nilang parahin at hulihin ang mga van (SUV) na kadalasan po kasi ay mga Intsik. Lagi po sinasabi na BEATING the RED LIGHT daw po. +63999422 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *