Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jessy, mahal pa rin si JM, pero kailangan nilang maghiwalay

110715 jm jessy

KUNG anuman ang pinagdaraanan ni Jessy Mendiola, kailangan daw niyang maging matapang at tanggapin na ganoon talaga ang buhay.

Pero aminado siya na ang pagpasok niya sa Banana Sundae (reformat ng Banana Split: Extra Scoop) na magsisimula sa November 15 ay  nakatulong sa pagmo-move–on at pagkakaroon ng magaan na pakiramdam sa bigat na pinagdaanan niya.

“Nakatutuwa na, hindi  kailangan ng isang malaking bagay para magpasaya sa ‘yo kundi ganito lang,” sey niya.

Aniya, hindi naman niya sinasabi na small thing ang pagkakasali niya sa Banana Sundae dahil blessings ito at nakatutuwa na magbibigay saya  siya sa tao. Nakalilimot din daw siya sa problema.

Aminado siya na okey na siya ngayon. Ang natutuhan lang daw niya sa sitwasyon ay maging totoo, kahit hindi siya magsalita ay lalabas pa rin kung ano ang tama. Naramdaman naman daw niya ‘yung mga taong itinataas siya sa panahong down siya.

Napatawad na ba niya ang mga taong nanakit sa kanya?

Nakapagpatawad daw siya pero hindi niya makalilimutan. “O, hayan na naman kayo, baka sabihin niyo bitter ako ha!ha!ha!

“Pero ‘pag  may nangyari talaga sa iyo na sobrang sama, traumatizing, hindi mo agad-agad male-let go ‘yun. Kung sino naagrabyado mo, you have to give her time… to heal na hanggang totally masasabi niya, ‘oo, okey na ako’.

“Pero ngayon kung naalala ko ‘yung nangyari…

“Pero nasa moving on process ako, hayaan na lang nila ako kasi wala na rin naman kaming mga koneksiyon,” sey pa niya.

Tungkol naman kay JM De Guzman, mayroon pa rin daw silang communication. Na-save naman daw nila ang friendship.

Bakit siya nag-decide na tuloy pa rin ang pagkakaibigan?

“Kasi mahal ko siya,” diretso niyang sagot. “Kasi siya talaga ang taong naniniwala sa akin palagi,” sambit pa ng aktres.

”Pero, may mga bagay lang kami na dapat i-prioritize right now,” sey pa niya.

“We really think that our relationship basically won’t help with our respective focus and priorities,” aniya pa.

“Siguro may mga bagay na hindi para sa ’yo na huwag munang ipilit,” deklara pa niya.

Dahil dito, napag-usapan nila na mas nakabubuti na huwag lang muna ituloy.

Mabait at may mabuting puso raw si JM. “Mabuti siyang tao.

“Mahal ko talaga siya kahit sinasabi ng ibang tao na ginamit ko lang daw siya blah! Blah!..Mahal ko talaga siya,” hirit pa ni Jessy.

Basta ngayon nai-enjoy daw niya ang kabaliwan ng Banana Team at napapasaya siya ng mga ito.

So, humanda na sa mas makuwela, mas makulit, at mas nakatutuwang Banana Sundae, na magsisimulang umere sa November 15 tuwing hapon.

Makakasama rin ni Jessy ang batikang komedyanang si Pokwang na magsisilbing dagdag bala sa pagpapatawa ng gag show.

Ang cast ng Banana Sundae ay masugid na sa pagpapatawa sa mga manonood sa kanilang gabihang palabas, lalo na sa mga segment nina Angelica Panganiban at Jayson Gainza na Krissy TV at Ihaw Na. Hindi naman pahuhuli ang mga segment na kinagigiliwan ng lahat na Kantaranta, Baby Luv, at Make Me Rap.

Hindi rin naman mawawala ang ibang bida sa Banana Sundae tulad nina John Prats, Ryan Bang, Sunshine Garcia, Aiko Climaco, JC De Vera, Pooh, Jobert Austria, and Badji Mortiz.

Pinamumunuan ang Banana Sundae nina direk Bobot Mortiz at Linggit Tan-Marasigan na nagsisilbing executive ng production kasama sina Rocky Ubana bilang executive producer, Willy Cuevas bilang creative manager, at Roderick Victoria bilang head writer.

Ang Banana Sundae ay mapapanood sa November 15. Other weekend comedy shows of the Kapamilya Network include Goin’ Bulilits and Home Sweetie Home.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …