Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angelica, naiilang kay John Lloyd kaya ayaw makatrabaho

061515 lloydie angelica
SPEAKING of Home Sweetie Home, ikinukonsidera ni Angelica Panganiban na posibleng mag-guest siya pero hindi pa rin natutuloy.

Hindi pa raw siguro panahon dahil naiilang pa rin siyang makasama o makatrabaho ang boyfriend na si John Lloyd Cruz.

Pero malabo pa rin hanggang ngayon ‘yung magsama sila sa drama o serye dahil simula’t sapul noong maging mag-on sila ay iniiwasan nilang magsama sa iisang project.

Hindi pa rin nila napag-uusapan ang pag-aasawa. May assurance naman daw ang relasyon nila at solid. Masaya pa raw ang takbo ng career nila kaya rito muna ang tutok nila. Marami pa raw kasi silang gustong gawin.

Back to Home Sweetie Home, dahil sweet ang mag-asawang Romeo (John Lloyd) at Julie (Toni Gonzaga) nabanggit tuloy ni Gigi (Miles Ocampo) na gusto niya ‘pag nagka-boyfriend siya, ay tulad ng kanyang Kuya Romeo.

Samantala, mahuhuli si Gigi na may kasamang lalaki, si Sir Ryan (Edgar Allan Guzman). Ano ang madidiskubre ni Romeo kay Sir Ryan para maging komplikado ang lahat.

Papangaralan din ng mag-asawang Romeo at Julie ang kanilang nakababatang kapatid na kailangang ingatan ang sarili at mag-ingat sa mga desisyon pagdating sa love.

Pasok ang Home Sweetie Home at Goin’ Bulilit sa listahan ng pinakapinanood na programa nationwide noong Oktubre, ayon sa Kantar Media. Nasa ikawalong puwesto ang Home Sweetie Home (26.2%) habang ikasiyam naman ang Goin’ Bulilit (25.2%).

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …