Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lloydie, ‘di pa laos kahit walang teleserye

070915 John Lloyd Cruz
BAGAMAT walang serye si John Lloyd Cruz, hindi makatarungang indirectly ay palutangin na laos na siya at i-post ang ‘laos’ interview niya sa social media. Unfair ‘yan sa kagaya niya na nag-akyat ng milyones sa network at production outfit na kinabilangan niya. Mahaba ang lalakbayin sa showbiz ni Lloydie. Choice ni JLC kung hindi natuloy ang serye niyangBridges Of  Love.

Ang isang mahusay na actor na gaya ni Lloydie ay hindi mabubura sa showbiz. Tama nga naman na hindi siya matakot malaos dahil may kalalagyan sa showbiz ang kagaya niyang magaling at wala namang attitude sa trabaho. Never namang nabalitaan na naging unprofessional siya o nagbigay ng sakit ng ulo sa production.

Kahit weekly lang siyang napapanood sa comedy show na  Home Sweetie Home with Toni Gonzaga, mataas naman ang ratings at madalas ay kasama sa top 15 base sa Kantar Media.

Samantala, buhay na buhay na naman ang movie career ni John Lloyd dahil showing ngayong November ang comeback movie nila ni Sarah Geronimo.

Pasok na rin sa Metro Manila Film Festival ang kanyang pelikula naHonor Thy Father. Ginawa ni Lloydie ang movie na ito na natsa-challenge ang artistry niya at nag-grow ang craft niya.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …