Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Liza, puring-puri ni Gerald

103015 Direk Mae gerald liza enrique
NAGBABALIK-TAMBALAN sina Liza Soberano at Enrique Gil sa Everyday I Love You with Gerald Anderson ng Star Cinema. It’s a romantic drama na idinirehe ng box-office director na si Mae Cruz- Alviar na siyang nagdirehe ng blockbuster films na Catch Me… I’m Inlove, She’s The One, Bride For Rent, at Crazy Beautiful You.

Seryoso ang pelikulang ito compared sa past movies na nagawa na ni Direk Mae. Magpapakita ng galing sa pag-arte sina Liz, Enrique, at Gerald. Makikita sa pelikula kung hanggang saan ang acting ability ng kanyang mga artista. Maraming highlight ang Everyday I Love You, ayon sa batikang director.

Sabi nga ni Direk Mae, malaki na raw ang improvement nina Liz at Enrique sa acting na ipinakita. Happy siya sa naging resulta, nagawa nila ng tama ang bawat eksena. Palibhasa relax na sa isa’t isa kaya nagampanan nila ‘yung character na pino-portray nila sa pelikula. Inamin ni Liza na medyo naiilang siya noong first scene nila ni Gerald. Alam kasi ng young star na magaling na actor ito. ‘Yung mga sumunod na eksena, relax na ito sa tulong na rin ni Direk Mae.

Nakita ni Direk Mae kung gaano ka close sina Liz at Enrique. Natutuwa siyang pagmasdan ang dalawa tuwing nagbibiruan na parang mga bata. Sabi niya, “Kita mo agad sa kanila may chemistry sila together kaya click sa fans. They’re perfect to each other kung sakaling sila nga ang magkatuluyan.

Napaka-supportive ni Gerald sa kanyang leading lady na si Liz. Hinayaan muna niya na maging kampante sa kanya ang dalaga bago kunan ang mga dramatic scene nilang dalawa. “Gusto kasi ni Direk Mae maging realistic ‘yung scenes namin. I’m impress, magaling si Liz nabigyan niya ng justice ‘yung character na pino-portray niya. Maging si Direk ay nagulat, ibinigay niya ang best sa bawat scene naming dalawa. Masarap katrabaho si Liz, always ready for take. Inaral niya  ‘yung script pati sequences na kukunan with me and Enrique. She can be a good actress in the near future,” say ni Gerald.

ANIK-ANIK – Eddie Littlefield

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Eddie Littlefield

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …