Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

11-anyos dalagita pinagparausan ng pinsan

SARIAYA, Quezon – Duguan ang kaselanan ng isang 11-anyos dalagita nang magsumbong sa kanyang ina makaraang gahasain ng kanyang pinsan sa Brgy. Poblacion ng bayang ito kamakalawa.

Ang biktimang itinago sa pangalang Anna Lisa, residente ng nasabing lugar, ay agad isinugod ng ina sa malapit na pagamutan upang malapatan ng lunas.

Habang mabilis na tumakas ang suspek na si alyas Randy, 29, ng nasabi ring lugar, makaraang ilugso ang puri ng dalagita.

Batay sa ulat ni Supt. Harold Depositar, hepe ng Sariaya PNP, dakong 12 p.m. habang nagpapahinga sa kuwarto ang biktima nang pumasok ang suspek at siya ay ginahasa.

Bago tumakas, nagbanta ang suspek na may masamang mangyayari sa pamilya ng biktima kapag nagsumbong kahit na kanino hinggil sa insidente.

Nang dumating ang ina galing sa bukid para mananghalian ay nagulat nang makitang nagdurugo ang kaselanan ng anak.

Dali-dali niyang isinugod ang biktima sa pagamutan.

Ang suspek na sinampahan ng kasong rape in relation to R.A. 7610 (Child Abuse) ay tinutugis na ng mga awtoridad.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Raffy Sarnate

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …