Friday , November 15 2024

79-anyos lolo tigok sa hataw ng delivery boy

PATAY ang isang 79-anyos lolo makaraang hatawin nang matigas na bagay sa ulo ng delivery boy sa Makati City kahapon.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Makati ang biktimang si Alfredo Peña Sr., ng 6198 Gabaldon St., Brgy. Poblacion ng lungsod, sanhi ng pinsala sa ulo.

Habang nahaharap sa kasong homicide ang suspek na si Moises Ranchez, 30, stay-in delivery boy sa Renzmae Ice Delivery sa sa Pamilihang Bayan ng naturang lugar.

Base sa imbestigasyon ni SPO3 Jason David, imbestigador ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), dakong 3:35 a.m. nang mangyari ang insidente sa panulukan ng Villena at Gabaldon Streets, Brgy. Poblacion ng naturang lungsod.

Habang natutulog ang biktima sa tabi ng bangketa nang magising dahil sa ingay ng suspek.

Sinita ng biktima ang suspek na nagresulta sa mainitan nilang pagtatalo.

Habang nagtatalo, nakahagilap ang biktima nang matigas na bagay na inihataw niya sa suspek.

Ngunit naagaw ito ng suspek at gumanti ng hataw sa biktima.

Bumagsak sa semento ang matanda at nawalan ng malay. Isinugod sa pagamutan ang biktima ngunit nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas.

Sumuko si Ranchez sa mga pulis makaraan ang insidente.

About Jaja Garcia

Check Also

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *