WALA bang natutuhang magandang values ang ilang AlDub fans sa mga kuwento ni Lola Nidora?
We’re asking this kasi bina-bash nila nang husto ang It’s Showtime. May mga nagpakalat pa ng memes na inihahatid na sa huling hantungan ang It’s Showtime.
That’s so mean, ha.
Dapat good vibes lang sila, ‘di ba, lalo pa’t angat na angat sila sa ratings pero as things turn out, mukhang gusto talaga nilang paglaruan ang noontime show ng Dos sa social media.
Magandang asal ba ang pagpapakalat ng memes about It’s Showtime gayong ang idol nilang si Lola Nidora ay nagtuturo ng good values sa kanila.
Sana maisip ng ilang AlDub fans na hindi na healthy ang ginagawa nilang pamba-bash sa social media.
UNCUT – Alex Brosas