PINAG-IINGAT ni Lea Salonga ang mga turista pagdating sa airport dahil sa modus operandi na paglalagay umano ng bullet sa mga bagahe ng travellers.
“Until the authorities get to the bottom of this, I suggest being extremely careful in travelling to the Philippines. Reportedly, airport employees are planting bullets into the luggage of unsuspecting travellers and demanding payment. Nakahihiya. Sobrang nakahihiya. Yes, folks, this is the country from which I hail. The country that has birthed the heroic and artistic, as well as the criminal and corrupt. Right now, it’s looking like the latter is outnumbering the former,” message ni Lea sa kanyang social media account kasabay ng pag-post ng isang news item about tanim-bullet.
Agad namang kinampihan si Lea ng maraming followers ng isang popular blog.
“Nakakahiya man pero totoo itong pinost ni Ditseng Lea, e. Kung totoo man na may Laglag-Bala gang pa rin sa NAIA, grabe di na ba sila nahiya at natakot? Di ba may mga narelieve na rin na security officers sa NAIA dati dahil sa ganitong isyu? Hindi pa rin natitigil,” say ng isang fan ng singer.
“Nakakahiya hindi lang sa mga dayuhan pero lalo na sa mga kababayan nating OFWs na mabibiktima nila. Panay tayo promote ng tourism sa Pilipinas pero sa airport pa lang NAKAKAHIYA na,” pahayag naman ng isa pang Lea supporter.
“Although nakakalungkot isipin na mababasa ito ng mga dayuhan, pero sa akin okay na rin para matauhan ang gobyerno (KUNG MATATAUHAN NGA) na mag-ayus ayos naman kahit papaano sa pamamalakad sa bansa natin. Grabe!!! NAIA, Customs, LTO, DPWH baka pwedeng kilos-kilos din!” say pa ng isang maka-Lea.
Oo nga, sobrang nakahihiya sa ibang bansa ang laglag-bullet controversy na ito. Have we become a nation of corrupt?
UNCUT – Alex Brosas