Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mark, never nagselos sa katrabaho ni Jolina

072815 jolina magdangal family
AMINADO si Mark Escueta, dyowa ni Jolina Magdangal na marami siyang fears noong isilang si Pele Inigo.

“Bago ko pa man mahawakan ang anak ko ay maraming fears, maraming pinaghahandaan. Hindi ka makakapag-prepare talaga. Ang galing kasi babaguhin ka from the inside to then point na ‘yung fear mo ay wala na, hindi na fear, isa nang inspiration. ‘Yung fear mo is not being able to provide kung ano ‘yung kailangan. Parang doon na ang focus mo, wala na sa sarili mo. ‘Yung iba kasi (na fear) ay mawawalan ka ng oras, ‘yung responsibility ay masyadong grabe. ‘Yun pala, kapag na-bless ka ng isang anak ay babaguhin ka from the inside,” chika ni Mark sa launching ni Pele as endorser ng Super Twins ng Megasoft Hygienic Products.

Hindi naging mahirap kay Jolina na kumbinsihin si Mark para i-endorse nila ang Super Twins.

When asked kung sanay na siya sa showbiz, ang sagot ng musikero, ”Hindi pa rin pero tulad ng sinabi ni Jolina, anything na maitutulong ko sa family ko ay gagawin ko lalo na something as important as this – importance of family. Gusto namin na maging inspiration sa mga existing and future families sa bansa.”

Sinabi ni Mark na hindi siya nagseselos kapag ipinapareha si Jolina sa iba’t ibang leading men.

“Wala naman. Basta sabi ko sa kanya, gusto kong makita na masaya siya sa trabaho niya at marami siyang napapasayang tao.”

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …