Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Liz Uy, pinatatanggal bilang stylist ni Maine; fans imbudo na

102915 yaya dub liz uy

MAY panawagan ang ilang tao sa social media na tanggalin na si Liz Uy bilang stylist ni Maine Mendoza.

Kasi naman, isa na namang kapalpakan ang kanyang nagawa.

Nag-pictorial kasi si Liz para sa Preview magazine to weeks ago. After niyon, pinasuot niya kay Maine ang ginamit niyang jacket para sa isang pictorial. Lumabas sa isang popular website ang photos nilang dalawa wearing the same jacket.

Ayun, may nanawagan tuloy na tsugihin na si Liz dahil sa kanyang second blunder. The first was when she made Maine wear a gown na two years ago na palang nasuot ni Kim Chiu.

“naku please lang tape palitan nyo n ayang c UY!!!! utang na loob..anu b ayan..ayaw mong mag isip ng masama pero napapaisip ka… or its either wala syang ibang ideas at ibang damit na ipapasuot kaloka sya mahal mahal ng TF nya embudo kami mga taga aldub nations ahh…yung sa tamang panahon pwede pang palagpasin pero eto utang na loob pangalawa na to ahh baka namna may pang tatlo pa ..plss plssss TAPE fire her out,” panawagan ng isang fan.

“MENG ITS ABOUT TIME TO CHANGE YOUR STYLIST PLEASE. YOU ARE JUST STARTING. PLEASE. YOU DESERVE NOTHING BUT THE BEST. Kahit sabihin na damit lang yan, hello isa sa important sa babae ang damit no. :(“ say naman ng isa pa.

“Ughhh! Liz uy! My gulay, u dont do that sa showbiz industry! You should (definitely) know that being a stylist of so many artists. I smell sabotage. Kaloka! At ikaw pa mismo nagsuot nung jacket weeks ago, so dapat hindi mo tlga ipasuof yan ulit lalo na kay maine na sikat na sikat ngayon. Halata ka na teh!” tili naman ng isa pang fan.

Any reaction, Liz?

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …