Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hipag pinapak ni bayaw

CALAUAG, Quezon – Halos hindi makagulapay at patang-pata ang katawan ng isang 19-anyos babae makaraang magdamag na halayin ng kanyang bayaw habang natutulog sa kanilang bahay sa Bry. Poblacion ng bayang ito kamakalawa.

Itinago ang biktima sa pangalang Merle, 19, habang ang suspek ay si alyas Ariel, nasa hustong gulang.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, dakong 12 a.m. habang natutulog ang biktima sa kanyang silid nang pasukin ng suspek at tinutukan ng patalim sa leeg.

“Papatayin kita, huwag kang sumigaw, pag sumigaw ka papatayin kita, kakatayin kita, kapag hindi bumigay,” bulong aniya ng suspek.

Bunsod nang matinding takot ay walang nagawa ang biktima hanggang magtagumpay ang suspek sa pagyurak sa kanyang pagkababae.

Nang makaraos ay agad tumakas sakay ng kanyang motorsiklo patungo sa ‘di malamang direksiyon.

Agad nagtungo ang biktima sa himpilan ng pulisya at inireklamo ng panggagahasa ang suspek. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Raffy Sarnate

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …