Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Liza at Sofia, pinagpipilian para maging Darna

102815 Angel Locsin sofia andres liza soberano
ILAN sa pinagpipilian na kapalit ni Angel Locsin bilang Darna ay sinaLiza Soberano at Sofia Andres. Natawa rin kami sa pabirong post saFacebook account ng boyfriend niyang si Luis Manzano na ang mukha niya ang nakalagay sa Darna picture at may caption na, ”Ito na po siguro ang pinakatamang panahon para i-announce. Ako ang papalit kay @therealangellocsin bilang si Darna. I expect your support pop. FYI, ang Ding po ay si Bonel Balingit”.

Health reason ang dahilan kaya nawala kay Angel ang proyekto.

Bagamat ibinigay lahat ni Angel ang paghahanda, nag-training siya, nag-crossfit, nag-exercise, muai thai. Ready na sana siya sa mga stunt pero sad to say, nagkaroon ng problema sa spine niya.

Epekto rin siguro ito sa mga nagawa niya noong araw na proyekto  at ilang beses ding nahulog sa kabayo sa Love Me Again.

“Hindi ko pinagsisisihan Tito Boy, gusto ko lang i-clear. Hindi ko pinagsisisihan kung ano mang injury na nakuha ko noon. Kasi masaya akong ginagawa ko ‘yun. Masaya akong ginagawa ‘yun kasi alam ko ‘yun ang nakapagpapasaya sa mga tao at ‘yun ‘yung rason kung bakit din ako nag-artista, to give happiness and inspiration. ‘Pag ginagawa ko ‘yung mga role na ‘Darna’, ‘yung superheroes, nakapagbibigay ka ng hope sa tao. Kaya enjoy ako happy ako. Wala akong nire-regret sa kahit anong stunts na ginawa ko na naging cause ng injury ko,” deklara niya sa Tonight With Boy Abunda.

Dumating na si Angel sa point na ilang days na medyo hindi makalakad. Isang araw gigising, hindi  makatayo, hindi makagapang at ni paghatak sa sarili ay hindi niya magawa.

Ayon sa doctor, madadaan pa naman sa therapy,’wag lang siyang mapuwersa. Baka kasi dumating sa point na hindi na talaga makalakad ‘pag napabayaan at gumawa siya ng mga mabibigat at matinding effort na activities.

Aminado si Angel na masakit para sa kanya na hindi magagawa ang Darna.

Pero hindi lang naman dito matatapos ang buhay ni Angel. May pelikula siyang tinatapos kasama si Governor Vilma Santos. Sa pinagdaraanan ni Angel ay nariyan lang ang boyfriend niyang si Luis na pinakakalma siya sa sitwasyon.

Pak!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …