Friday , April 11 2025

Palasyo nanawagan vs Lumad attacks

NAKIKIISA ang Palasyo sa panawagan ng dalawang lungsod sa Metro Manila na itigil na ang pag-atake ng paramilitary groups sa mga pamayanan ng Lumad sa Mindanao.

Sa ipinasang resolusyon ng Caloocan City at Marikina City ay hinimok ang pambansang pamahalaan na ipatigil sa paramilitary groups ang pag-atake sa mga komunidad ng Lumad sa Mindanao.

Tinukoy sa resolusyon ng dalawang local na pamahalaan ang mga pag-atake sa mga paaralan ng mga Lumad sa Surigao, pagbabanta ng mga paramilitary group sa mga Lumad bunsod nang pagtutol sa pagpasok ng mining companies at sapilitang pagpapalikas sa mga Lumad.

“Gusto natin na mabatid at maunawaan ng mga lokal na pamahalaan sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa na ang buong pamahalaan ay ginagamit ang mga resources nito para itaguyod ‘yung katahimikan, kaayusan at kapakanan ng ating mga kapatid na katutubo o indigenous peoples o Lumad communities sa Mindanao,” ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr.

Ipagpapatuloy aniya ng pamahalaan ang pagsusulong sa kaunlaran at kapayapaan sa lahat ng mga lugar na apektado upang matiyak na hindi maantala ang paghahatid ng serbisyo publiko ng mga lingkod-bayan.

Noong nakaraang linggo aniya ay mariing kinondena ng pamahalaan ang pagpaslang kay Mayor Dario Otaza ng Loreto, Agusan del Sur, isa sa mga matibay na nagtataguyod sa prosesong pangkapayapaan at pangkaunlaran ng mga Lumad at Manobo communities.

About Rose Novenario

Check Also

Kerwin Espinosa

Self-confessed drug lord Kerwin Espinosa na tumatakbong alkalde sugatan sa pamamaril

ANG SELF-CONFESSED drug lord na si Kerwin Espinosa, na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-alkalde ng Albuera, …

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

SA LAYUNIN na itaas ang moral ng mga empleyado at kilalanin ang kanilang mahalagang kontribusyon …

PRC LET

Specialized Licensure Examinations tugon sa Teacher-Subject Mismatch

IKINATUWA ni Senador Win Gatchalian ang paglagda ng isang joint memorandum circular sa pagitan ng …

Chiz Escudero Imee Marcos

Imee desmayado sa ‘di paglagda ni SP Chiz sa contempt order vs special envoy

DESMAYADO si Senadora Imee Marcos, chairman ng Senate committee on foreign relations, nang hindi lagdaan …

Vince Dizon DOTr

Ngayong Semana Santa
Ligtas at maginhawang paglalakbay tiniyak ng DOTR

TINIYAK ni Department of Transportation (DOTr)  Secretary Vince Dizon sa publiko ang maayos at ligtas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *