Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Development sa kaso ni Willie, timing sa pananagumpay ng Wowowin

032315 willie
LUBOS na ipinagtataka ng mga magulang ng noo’y anim na taong gulang na batang lalaki kung bakit makaraan ang mahigit na apat na taon ay muling nabuhay ang kasong child abuse na isinampa kay Willie Revillame.

Kinatigan kasi ng Court of Appeals ang naging desisyon ng mas mababang hukuman na dapat papanagutin at arestuhin ang TV host.  Ito’y bunsod ng isang episode ng now-defunct program na Willing Willie ng TV host sa TV5 dated March 2011.

Nakiusap na huwag nang ipakita ang kanilang mga mukha sa TV interview, nagulat ang mga magulang ng ngayo’y 10 years old na nilang anak na inilabas na desisyon ng CA.

Anila, nakapagsimula na silang muli ng kanilang buhay at malaking bahagi ng simulaing ‘yon bilang pagtalikod sa isang madilim na karanasan ay ang pagbibigay-liwanag pa rin hanggang ngayon ng tinawag nilang Kuya Wil.

Mula nang pagsayawin ng parang macho dancer ang kanilang noo’y umiiyak na anak at magpahanggang ngayon ay nakatatanggap ng ayuda mula kay Willie buwan-buwan.

As far as Willie’s legal counsel is concerned, sumailalim na noon sa arraignment at nakapagpiyansa pa ang kanyang kliyente kung kaya’t wala umanong dahilan para ipadakip ito sa bisa ng isang warrant.

Timing na timing yata ang development na ito sa kaso sa patuloy na pananagumpay ng Sunday show ni Kuya Wil na Wowowin sa GMA, gayong mas magkakaroon sana ng impact ang pagkakalugmok kay Willie kung itinaong wala pa itong show at kawalan na nito ng direksiyon sa kanyang career.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …