Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sexiest Woman Alive ng Esquire magazine

102315 emilia clarke
KINORONAHAN si Game of Thrones star Emilia Clarke bilang ‘Sexiest Woman Alive’ ng Esquire magazine, at mapapatunayan ito sa sexy photoshoot na ginawa para sa kanya para hubarin ng 28-anyos na British actress ang kanyang suot na damit para ipakita ang kanyang kompiyansa sa ganda ng hubog ng kanyang katawan.

Sa panayam, ipinaramdam ni Clarke ang kanyang karanasan noong bata pa siya at kung paano nagkulang na bigyan siya ng lakas ng loob para umasam na abutin ang kanyang mga mithiin at ambisyon.

“Ayaw nilang pumasok ako sa boarding school,” aniya. “Pero gusto ko. Papasok iyong kapatid kong lalaki (dalawang taon ang tanda sa akin), at crush ko iyong mga kaibigan niya.”

Naka-date nga ba niya ang mga crush niya?

“Siyempre,” pagmamalaki ng aktres.

At hindi rin siya itinulak para mag-artista.

“(Ang ama ko) ay kasama sa crew, hindi sa cast; malaki ang gap dito. Gusto niya maging realistiko ako, lalo na tungkol sa pagkita ng pera,” paggunita ng dalaga. “Ang tanging bagay na dapat kong matutunan, sabi ng tatay ko, ay ‘Do you want fries with that?’”

Obviously, naging matagumpay si Clarke nang hindi inaasahan. Habang ang karakter niya sa popular na seryeng Game of Thrones na si Daenerys Targaryen ay tunay na fan favorite, inihayag ni-yang hindi siya ang nais ng casting director para sa role ng Queen of Dragons.

“Sinabihan ng ahente ko iyong casting director, ‘Alam kong ang gusto n’yo sa karakter ay matangkad at blonde. Alam kong maliit lang siya at kayumanggi, pero gusto kong makita n’yo muna siya,’” dagdag ng aktres. “Nagkaroon ako ng dalawang eksena at wala rin sapat na panahon para basahin iyong lahat ng mga isinulat na aklat ni George R. R. Martin. Kaya ang ginawa ko ay nag-Wikipedia na lang ako.”

Kinalap ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …