Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cesar at Binoe, crush ni Atty. De Lima

102315 robin cesar
PINAGKAGULUHAN si Atty. Leila de Lima (dating  Secretary of Justice at ngayon ay tumatakbong senador sa Liberal Party-led Koalisyon ng Daang Matuwid) sa ginawa niyang block screening ng  Heneral Luna sa Trinoma noong Sabado. Inimbita niya ang mga friend niya at ilang estudyante.

Ang daming nagpapa-picture sa kanya.

‘Pag may oras si Atty. De Lima ay mahilig din siyang manood ng sine. Pero noong maging Secretary of Justice siya ay sa eroplano pa raw siya huling nakapanood ng pelikula.

Aminado siyang ninenerbyos dahil first time niyang nakatsikahan ang movie press.

“I know na mas marunong kayong mag-grill doon sa mga unchartered territory ni Leila de Lima. ‘Yung hindi masyadong nakikita, ‘yung hindi masyadong alam ng mga tao. Alam ko, susubukan n’yo,” tumatawa niyang pahayag.

Natawa tuloy siya noong tanungin ang kanyang showbiz crush. Buong ningning din niyang sinabi na sina Cesar Montano at Robin Padilla.

Tinanong din siya kung mahirap bang mahalin ang isang Leila de Lima at napahalakhak siya sa tanong.

“Sinasabi ko na nga, iba talaga kayong magtanong. ‘Yung mga ganyang questions, first time kong na. . .(encounter). Kayo lang ang mayroon talagang lakas ng loob na magtanong ng mga ganyang klaseng tanong,” bulalas niya.

“Siguro nga, mahirap. Because ‘yun ang problema kasi, wala talaga akong oras masyado sa kanila. Ang boyfriend ko at saka nagiging asawa ko, ‘yung trabaho ko. Pero siyempre, bilang babae, naa-attract din ako paminsan-minsan and therefore, in between, mayroon ding relationship. But not so serious relationships,” pakli niya.

‘Pag isasapelikula naman ang buhay niya, bagay daw si Dina Bonnevie na gumanap.

Pak!

(ROLDAN CASTRO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …