PINANINDIGAN ni Cesar Montano na hindi siya kakandidato sa politics ngayon. Hindi siya nag-file ng CoC pagkatapos tumakbo ng dalawang beses at natalo.
Bagamat may mga kumukumbinsi sa kanya na mga political party, hindi siya nag-commit.
May mga natanguan na raw siyang commitments sa showbiz gaya ng filmfest movie niyang Nilalang.
Sa 2016 ay may gagawin siyang Hollywood movie.
Nakahihiya raw na mag-commit siya sa politics na wala naman siyang panahong mangampanya.
Sa showbiz muna raw siya dahil na-miss niya ito.
Hindi na rin muna siya gagawa ng mga teleserye dahil ‘pag may serye kasi ay tatlong buwang nakatutok at ‘pag na-extend pa ay hindi niya magagawa ang ibang natanguang natrabaho.
Ang huling seryeng nagawa niya ay ang Akin Pa Rin Ang Bukas sa GMA-7.
TALBOG – Roldan Castro