MUKHANG may pinagdaraanan si Nadine Lustre dahil na rin sa kanyang message photo na ipinost recently.
“It’s gotten to a point where I don’t know who I am anymore. I constantly feel like I’m on the verge of breaking down. I feel like I’m going crazy, and if my mind is an ocean, my thoughts are a tsunami. I can’t sleep, I can’t concentrate, I can’t even think straight. I am a mess. I’m coming apart at the seams and it scares me.”
Iyan ang photo message ng dalaga which she captioned, ”Hey, it happens. But you gotta get back.”
Masyadong nag-worry ang maraming JaDine fans dahil sa post na iyon ng dalaga. Parang may matinding pinagdaraanan daw kasi si Nadine, parang mayroon itong mabigat na problema sa kanyang career. Parang lumalabas na hindi ito happy sa itinatakbo ng kanyang karera.
Marami nga ang nagpahatid ng message of concern sa dalaga. Sinasabi ng fans na lakasan ni Nadine ang kanyang loob dahil kung anumang pagsubok ang pinagdaraanan nito ay matatapos rin ito. Mayroon namang nagsabi na magdasal lang ang dalaga at lilipas din ang nararamdaman nito.
Ano nga kaya ang problema ni Nadine, eh, ang ganda-ganda ng career niya. Top rating ang teleserye nila ni James Reid na On The Wings of Love at marami pa silang naka-line up na project.
UNCUT – Alex Brosas