UMANI ang R&B icon na si Janet Jackson ng ika-pitong chart-topping album sa awit niyang Unbreakable, para hirangin siyang ikatlong mang-aawit na nagtala ng No. 1 album sa nakalipas na apat na dekada.
Napabilang si Jackson kina Barbra Streisand at Bruce Springsteen sa makasaysayang grupo. Nag-No. 1 din siya sa sumusunod na mga release: Discipline (2008), All For You (2001), The Velvet Rope (1997), janet. (1993), Janet Jackson’s Rhythm Nation 1814 (1989) at Control (1986).
Umangat ng 116,000 units ang Unbreakable, ang kauna-unahang independently distributed album ni Jackson, ayon sa datos mula sa Nielsen Music. Na-release ang album sa label niyang Rhythm Nation, na nasa ilalim ng BMG. Dalawang kababaihan lamang ang nagkamit ng labis sa mga No. 1 album kaysa kay Jackson: si Streisand, na nagkaroon ng 10, at Madonna, 8.
Kasunod ni Jackson ay isa pang R&B, na umani ng mpaghahambing sa kapatid ni Janet na si Michael: ang Weeknd. Sa ika-anim niyang kompetisyon, umakyat ang Weeknd ng 73,000 units sa Beauty Behind the Madness, mababa ng 11 porsyento sa nakalipas na linggo.
Nagtapos naaman ang rap collaboration na What a Time to Be Alive ng Drake and Futuresa No. 3, sa pag-angat nito ng 65,000 units.
Bumaba ang Trap Queen ng rapper na si Fetty Wap sa ika-apat na puwesto sa kanyang self-titled debut, na sa talaan ay kumilos ng 64,000 units. Nasa pang-lima ang bagong albm ni Tamar Braxton na Calling All Lovers na umusad ng 43,000 units.
Kinalap Ni Tracy Cabrera