HINDI pa man binabanggit ni Karla Estrada kung sino ang ieendosong kandidato ng kanyang anak na si Daniel Padilla this coming elections ay marami na kaagad ang nag-react.
“Oo, mayroon siyang ieendoso, president, at saka senator, isa,” say ni Karla sa isang panayam which appeared in one online portal.
Ang daming kiyaw-kiyaw ng mga tao sa social media, most of them against sa planong pag-endorse ni Daniel ng candidate.
“@imdanielpadilla sana wag ka papayag sa mga politiko mag endorsment sa kanila.Baka ikasira mo lng yan. #PSYBanggaan Kathniel”
“Kung yung mga corrupt candidates lang din ieendorse ni Dj, sana di pa rin i-vote ng fans. Wag magpadala.”
“NO DJ!! NO! @imdanielpadilla @Estrada21Karla bumoto ka na lang wag ka na mag endorso!!!”
“He’s advocating an org on voting wisely. I just hope he changes his decision regarding this. #PSYBanggaan”
“celebrities should stay away from associating themselves to people running for office especially in the Philippines.”
Ilan lang ‘yan sa sandamakmak na comments na aming nabasa.
Anyway, sikat na sikat pa rin naman si Daniel. Proof is the way he is regarded in the industry. Ngayon nga ay may politiko na ring gusto siyang gawing endorser para sa susunod na eleksiyon. Right niya kung tanggapin niya offer.
Kung bina-bash ninyo si Daniel all because may ie-endorse siyang kandidato, eh, ‘di i-bash n’yo rin ang mga celebrity na mayroon ding ini-endorse na political candidate. Why zero in on Daniel only?
UNCUT – Alex Brosas