Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Valeen, malapit nang maging Kapuso

071715 valeen montenegro
UNTI-UNTING lumilitaw si Valeen Montenegro sa Sunday show ng GMA 7 na Sunday Pinasaya.

Ilang beses pinupurihan si Valeen sa kanyang pagpapatawa sa mga comedy skit ng show ngunit marami ang nagulat sa husay niya sa pagsasayaw noong Linggo kasama si Julie Anne San Jose sa isang production number.

Marami ang nagsasabing mas mahusay pa si Valeen kaysa mga main host ng show na sina Marian Rivera at Ai ai De las Alas kaya humahataw sa rating ang SPS kalaban ang ASAP 20 ng ABS-CBN.

Dahil dito, hindi na kami magtataka kung tuluyan na ngang lumipat si Valeen sa GMA mula sa TV5 kahit may show siya sa Kapatid Network na No Harm No Foul.

Pinayagan kasi ng TV5 si Valeen na gumawa ng show sa GMA lalo na ang SPS ay produced ng TAPE, Inc. at hindi ang GMA mismo.

Matatandaang umangat ang career ni Valeen pagkatapos na maging cover girl ng isang men’s  magazine noong Hulyo.

 

SHOWBIZ TIDBITS – James Ty III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …