Saturday , November 16 2024

Palasyo ‘di nagpatinag kahit una si Chiz sa survey

TULOY lang ang kampanya ng administrasyon para sa kanilang kandidato sa vice presidential race sa kabila nang pangunguna pa rin ni Sen. Chiz Escudero sa pinakabagong Pulse Asia survey.

Pormal nang inihain ni Escudero ang kanyang certificate of candidacy bilang vice presidential bet ni presidential aspirant Sen. Grace Poe sa 2016 elections.

Sa naturang survey ay pumangalawa si Sen. Bongbong Marcos kasunod sina Sen. Alan Cayetano at Sen. Antonio Trillanes IV habang humahabol pa lamang si Congresswoman Leni Robredo.

Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., hindi sila nababahala at puspusan lamang ang kampanya para kay Robredo.

Ayon kay Coloma, ang mahalaga ay maipaliwanag sa taongbayan ang kahalagahang maipagpatuloy ang Daang Matuwid.

Kaya itinuturing daw nilang referendum ng Daang Matuwid ang 2016 elections kung saan pipili ang mga mamamayan kung ituloy o hindi ang benepisyo at repormang dala ng administrasyon.

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *