HINDI namin alam kung matatawa kami sa paandar ni Chito Miranda na mayroong presidential candidate ang nag-offer sa kanya ng P2-M para mag-tweet lang.
“I was offered P2M to tweet for a presidential candidate. ‘Di ko tinanggap kasi gusto ko suportahan si Duterte o si Miriam kahit walang bayad,” tweet ni Chito.
“For those who are asking kung sino yung nag-offer, di ko rin alam kasi ayaw sabihin nung agency. They wanted to see muna kung game ako. :)” dagdag pa niya.
“pero sabagay, ok din si Lucifer, si Inter-Galactic, or yung nagpapanggap na asawa ni Kris Aquino. Hahaha! #Halalan2016,” joke pa niya.
We don’t know kung sino ang presidential candidate pero tahasan naming sasabihin na mas marami pang sikat na personalities na puwede niyang kunin to endorse his candidacy. No offense meant, ha, pero hindi na sikat si Chito.
UNCUT – Alex Brosas