Saturday , November 16 2024

Pangamba ng businessmen pinawi ni PNoy (Sa isyu ng korupsiyon)

PINAWI ni Pangulong benigno Aquino III ang pangamba ng mga negosyante sa isyu ng korupsiyon at  sinabing tinutugunan ito ng pamahalaan.

Sa kanilang ‘one on one dialogue’ ni Steve Forbes, chairman at editor in chief ng Forbes Media, na ginanap sa Paranaque City kahapon, sinabi ng Pangulo na ang pagiging optimistiko ngayon ng maraming Filipino ang may malaking papel kung bakit masigla ang ekonomiya ng bansa.

Ipinagmalaki rin niya sa harap ng daan daang top business leaders ang kanyang achievements sa pamamahala sa Filipinas.

Nagiging positibo na kasi aniya ngayon ang pagtanggap ng mga Filipino sa mga repormang ipinatutupad ng kanyang administrasyon partikular sa mga hakbangin  para labanan ang korupsiyon at katiwalian sa gobyerno.

Ibinida rin ng pangulo ang magagandang insentibong iniaalok ng gobyerno sa mga mamumuhunan upang makaakit pa nang mas maraming foreign direct investments, kaya naman tinuran ng pangulo na “It’s more fun to do business in the Phils.”

Tiniyak din niya sa top business leaders na marami nang pagbabagong isinagawa ang pamahalaan para gawing mas madali na ang pagnenegosyo rito sa Filipinas.

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *