Sunday , April 27 2025

Opisyal ng HUDCC sinibak ni PNoy

SINIBAK ni Pangulong Benigno Aquino III ang opisyal ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) na sinasabing kasabawat ni Vice President Jejomar Binay sa maanomalyang transaksiyon ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) sa Alphaland Corp.

Itinalaga ni Pangulong Aquino si Jose Alejandro Payumo bilang deputy secretary general ng HUDCC kapalit ni Wendel Avisado.

Si Avisado, senior vice president ng BSP, ay inakusahan ng ‘conflict of interest’ ng Senate Blue Ribbon Committee na nagsiyasat sa mga alegasyon ng korupsiyon laban kay Binay.

Hinirang din ni Aquino si Fredelita Guiza bilang kapalit ni dating Sen. FRancis Pangilinan bilang presidential assistant on food security and agricultural modernization,  makaraang  magbitiw  upang  tumakbong senador sa ilalim ng Liberal Party (LP).

Bukod kay Guiza, nagtalaga rin si Aquino ng 22 appointees sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno sa kabila na walong buwan na lamang ang natitira sa termino niya sa gobyerno.

About Rose Novenario

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *