NAALIW kami sa pelikulang The PreNup nina Sam Milby at Jennylyn Mercado noong mapanood namin ito sa premiere night sa Megamall. Sobrang tawa namin.
Havey si Jennylyn sa comedy. Nasa timing ang pagbitaw sa punchline lalo na sa dialogue niyang ‘tantado’. Pang-best actress na talaga si Jen in a comedy role.
Sobrang kinikilig din kami sa chemistry nina Jennylyn at Sam Milby. Ang sarap-sarap at guwapo ni Sam sa movie. Hindi siya mukhang ngarag at fresh ang aura.
Isa pang napansin namin sa pelikula ay ang husay ni Neil Coleta bilang kloseta. Mahaba pala ang role ng binata sa pelikula at nabigyan niya ng justice. Hanep din ang paghahabol ni Melai Cantiveros sa kanya sa pelikula na may eksenang napatawa kami noong maglupasay si Melai na iniwan ng sasakyan samantalang bumili pa ng bagong sapatos.
Gusto rin namin ang mahusay na acting nina Gardo Versoza at Jaclyn Jose. Napaiyak naman kami ni Dominic Ochoa sa isang eksena nila ni Jennylyn na may pinagdaraanan sa lovelife.
Showing na ang super kilig movie of the year na maraming scenes na kinunan sa New York. Handog ito ng Regal Entertainmen. Feel good ang pelikula ni DirekJun Lana at Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB).
TALBOG – Roldan Castro