Saturday , November 16 2024

Dismissal Order vs Junjun inihain na (Pamilya Binay ‘di natinag)

HINDI natinag ang pamilya Binay nang magtungo kahapon sa bahay nang sinibak na si Jejomar “Junjun” Binay ang pinagsanib na puwersa ng Department of Interior and Local Government (DILG) at pulisya ng Makati para ihain sa kanya ang dismissal order sa pagka-alkalde na ipinalabas ng Office of the Ombudsman nitong Lunes.

Dumating sa bahay ng batang Binay ang mga tauhan ng DILG at Makati City Police dakong 8:30 a.m. na isang convoy ng mga sasakyan, para isilbi ang dismissal order ng dating alkalde ng lungsod makaraang sibakin sa pwesto ng Office of the Ombudsman kaugnay sa overpriced na pagpapagawa ng Makati City Hall building 2.

Ayon sa kampo ni Binay, sa ginawang hakbangin ng DILG at pulisya ay nabulabog ang ilang residente.

Aniya, naging over-acting ang naging aksiyon ng DILG laban sa mga Binay, na maituturing anilang harassment.

Ngunit ano man anila ang gawin ng gobyerno ay hindi sila matitinag maging si Vice President Jejomar Binay at ang kanilang pamilya,  dahil hindi mahahadlagan ang determinasyon nila na maglingkod sa bayan.

Bukod sa dismissal order, kasama rin sa desisyon ng Ombudsman ang disqualification sa batang Binay sa pagtakbo sa halalan sa 2016.

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *