Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Finale song ni Gloc-9, nakapangingilabot

101415 Gloc9
SUPER enjoy kami sa concert ni Gloc-9 sa Music Museum noong Sabado entitledAng Kuwento Ng Makata.

Umpisa pa lang ay pasabog na ang guest dahil si Bamboo ang kasama sa stage ni Gloc-9. Sinundan naman ito ni Marc Abaya.

Gusto namin ang konsepto ng concert na nagkukuwento si Gloc-9 ng buhay niya sa VTR at kasabay niyang kumakanta ang mga guest ng mga hit songs niya.

Type namin ang mga kanta ni Gloc-9 kaya sulit ang presyo ng tiket.

Nanood ang Action King na si Robin Padilla dahil guest si Kylie Padilla na kumanta with Gloc 9 ng Walang Natira.

Tumayo naman si Robin sa lyrics ng kantang Upuan with Glaiza De Castro and Gloc-9 dahil sa lyrics na, ”Kayo po nakaupo, subukan n’yo namang tumayo.”

Nakita rin naming nanood sina Geoff at Gabby Eigenmann plus Sid Lucero.

Kinanta naman ni Jennylyn Mercado ang Hari ng Tondo with Gloc -9. Tinawag ang The PreNup actress ng audience ng Mamaw noong pababa siya ng stage. Ito kasi ang tawag ni Dennis Trillo sa kanya sa serye nila sa GMA 7.

Sumayaw naman si Rochelle Pangilinan habang kinakanta ni Gloc-9 ang Magda.

Havey naman ang performance at guwapo ni Migz Heleco. May future siya sa music industry. Super galing din ang indie singer na si Reese at Maya.

May tribute din si Gloc-9 sa kanyang idol na yumaong Francis Magalona. Ikinuwento niya kung gaano ka-generous si Kiko sa kanya at first show niya abroad ay request ng dating hari ng mga rapper. Kinanta nila ni Migz ang Alalay ng Hari na alay niya kay Francis M.

Nakakikilabot ang finale ng concert ni Gloc-9.  Kinanta niya ang  Kaleidoscope World ni Francis M. Nagbukas ang audience ng ilaw ng cellphone kaya ramdam na ramdam mo ang nasabing awitin.

Nakita rin namin kung gaano kabait na anak at makapamilya si Gloc-9. Lumapit siya sa magulang niya. Humalik siya sa nanay niya. Noong matapos din ang concert inabutan siya ng flowers pero bumaba rin siya para ibigay sa mother niya.

Huwag palampasin dahil may tatlong araw pa ang concert ni Gloc-9.

Oct. 17 with guests Chito Miranda, Ebe Dancel, Janno Gibbs, Jonalyn Virayand Rico Blanco.

Oct. 24—Ebe Dancel, Jolina Magdangal, Ogie Alcasid, Regine Velasquez-Alcasid and YengConstantino.

Oct. 31, Ebe Dancel, Jay Durias, Julie Ann San Jose and Kz Tandingan.

Regular guest s naman sina Maya, Migz,  Reese and Rochelle.

Congrats sa producer at sa PPL Entertainment Productions.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …