Sunday , November 17 2024

90 minutos lang mula KL patungong Singapore

101315 90 minutes Kuala Lumpur Singapore
KALIMUTAN na ang air o bus travel. Isipin na bumibiyahe nang nakasakay sa ultramodern, hassle-free high-speed train na tumatakbo nang mahigit 250 kilometro kada oras mula Kuala Lumpur hanggang Singapore sa loob lamang ng 90 minuto—door-to-door.

Magtungo sa Kuala Lumpur HSR (high-speed rail) terminus sa Bandar Malaysia (ngayon ang Royal Malaysian Air Force Sungai Besi airbase), mag-check in at dumaan sa parehong Malaysian at Singaporean Immigration at Customs bago sumakay ng tren.

Ang biyahe rito sa Singapore ay kada 15 minutos. May dalawang klase ng bagol—ang business at standard class.

Paroo’t parito, mag-e-enjoy sa smooth at kaaya-ayang sakay, habang tinatanaw ang magagandang tanawin ng countryside.

Sa Nusajaya, tatawid ang tren sa Johor Straits patungong Tuas gamit ang bagong tulay. Sa pagdating sa Singapore HSR terminus sa Jurong East, tumuloy sa Jurong East MRT station at, sa saglit lang na panahon, makararating na sa sentro ng lungsod ng Singapore.

Wala nang mahabang Immigration queue dahil natatakan na ang inyong pasaporte sa Kuala Lumpur.

Ang kahulugan nito’y puwede nang mag-almusal sa Kuala Lumpur, mananghalian sa Singapore at makabalik para sa hapunan sa Kuala Lumpur sa loob lamang ng iisang araw.

Sa nga-yon ay gumugugol ng anim na oras para sa bus ride at apat na oras kung mag-eeroplano (kasama na ang pagtungo sa airport, paghihintay sa pag-check in, Immigration at boarding).

Ayon sa mga pinuno ng Singapore at Malaysia, ang ambisyosong Kuala Lumpur-Singapore HSR project, ang kauna-unahan sa Southeast Asia, ay tunay na magiging ‘gamechanger’ sa rehiyon. Mapapaganda nito ang connectivity, baguhin ang paraan ng pagbiyahe ng mga tao at paigtingin ang pang-ekonomiyang aktibidad sa dalawang bansa. Ani Malaysian Prime Minister Datuk Seri Najib Razak at Singapore PM Lee Hsien Loong, ang HSR project ay plano nilang kompletohin sa taon 2020.

 

ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

NIVEA South Korea

Nivea’s 10 out of 10 care celebration continues, empowering you to embrace your glow

NIVEA, your trusted skin care partner, recently marked a significant milestone in its commitment to …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *