SA bansang Pakistan na patriyarkal ang lipunan, sadyang pambihira ang mga bayaning mula sa kababaihan. Subalit isang dilag ngayon ang gumaganap nang ganitong bahagi sa mundong masasabing ‘panlalaki’ sa Pakistan—sa pag-ligtas ng mga tao mula sa nasusunog na mga bahay, pagiging responsable at pagsalang sa sariling buhay—nang literal—para makasagip ng buhay.
Para kay Shazia Perveen, ang paglundag mula sa truck ng bom-bero, at pagsu-god sa gusaling tinutupok ng rumaragasang apoy ay bahagi lang ng kanyang tung-kulin sa trabaho bilang bombero. Ang 25-taon-gulang ay kauna-unahang female firefighter ng Pakistan. Napasali ang Vehari District girl sa Rescue 1122 emergency services ng Pakistan may limang taon na ang nakalipas, at mabilis niyang inani ang respeto ng kanyang mga kasamahan sa propes-yon.
Habang sinasabi ng fire rescue service ng Pakistan na si Perveen ang kauna-unahan nilang babaeng firefighter, naunahan siya bilang una sa subcontinent ng bansang India sa katauhan ni Meenakshi Vijayakumar na naitalagang babaeng bom-bero noong 2003. Simula noon ay marami na ring napagsanay na female firefighter ang India.
Gayon pa man, para kay Perveen, ang thrill ng masa-sabing most adrenaline pumping daily career of all time ang nagbigay halaga para pasukin niya ang pagiging bombero.
“May mga babaeng umiiwas at nag-aatubiling magtrabaho kasama ang kalalakihan. D’yan ako naiiba sa kanila at sa aking pa-lagay, ang mga babae, ay maaaring magtrabaho at makipagsabayan nang ka-tabi ang mga lalaki,” aniya.
ni Tracy Cabrera