Friday , November 15 2024

Laway lang ang puhunan ng AlphaNetworld

00 Abot Sipat ArielNADAGDAGAN na naman ang mga nagreklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) Anti-Fraud Division laban sa opisyales ng AlphaNetworld Corporation na ginagamit ang social media na Facebook para makakolekta ng pera kahit walang ibinebentang produkto.

Wala namang tigil si NBI-AFD chief Atty. Dante Jacinto sa paalala lalo sa mga estilong ‘biglang yaman’ ng mga kompanyang sangkot sa pyramiding scam tulad nitong AlphaNetworld na pinamumunuan ng nangangalandakang nagtapos sa Ateneo de Manila University na si Juluis Allan Nolasco, ang chief executive officer at presidente ng nasabing kompanya.

Ipinatawag din pero hindi pa nagpapakita sa NBI-AFD ang mga kasosyo ni Juluis Allan sina Josarah Nolasco, June Paolo Nolasco, Lazarus David, Emily Ann Bacolod, Pierre Jasper Bacolod, Jennet Gorospe, Ma. Jacyn Tecson at Arthur Macogay Jr., na gamit na gamit ang kanilang FB accounts upang makaengganyo ng mga mare-recruit na pinagpapasok ng pera sa kanilang bank accounts kapalit ng pangakong doble-dobleng tubo.

Ipinangalandakan sa  social media nina Nolasco at , Macogay na dapat kasuhan na lamang sila ng NBI at ipinagpilitang legal ang kanilang kompanya na nakabase sa 6th floor ng Beldevere Tower, San Miguel Ave., Ortigas, Pasig City. Ang siste, mayroon nang bumabawi ng kanilang ipinasok na pera sa AlphaNetworld pero patay-malisya lamang si Nolasco.

Nadagdag sa mga nagreklamo sa NBI-AFD sina Maria Criselda Estabillo Fernandez at Restie Q. Sanchez, kapwa ng Angeles City, Pampanga; Estrellita Lavarias ng San Miguel, Maynila; Manny Largo ng Mabalacat, Pampanga; Nenita Fernandez ng Lingayen; at Emmanuel Samera ng San Carlos City, kapwa ng Pangasinan.

Naunang dumulog sa NBI ang negosyanteng si Emmanuel Estrella na nilinaw na may halagang P12,800 ang  bawat pioneering share ng AlphaNetworld at naengganyo siya dahil may alok na health products ang kompanya. Ngunit walang ibinigay na produkto sa kanya ang AlphaNetworld at hindi na niya mabawi ang kanyang pera dahil pinalagda siya sa waiver at quitclaim.

Nagreklamo rin si Jane Disierto na nagsabing pinagtawanan lamang nina Nolasco at Macogay ang NBI-AFD sa katwirang legal ang kanilang negosyo sa FB kahit wala silang produkto. Nangantiyaw pa ang magpartner sa panggogoyo na kahit magsumbong pa kay Batman ang NBI, walang magagawa ang opisyales ng kawanihan. Ayon kay Disierto: “Taktika nila na ipakikita sa FB ang bank slips na may naghulog nang milyon-milyong piso sa kanilang pioneering packages at nagpapakita rin ng makakapal na pera kaya marami silang nakukumbinseng sumosyo gayong walang ibinibigay na produkto.” 

Naka-post din sa FB account ni Nolasco ang mga sasakyan niyang Lamborghini at Ferrari kaya maraming naloloko partikular sa sinosonang iba’t ibang barangay sa buong bansa at maging ang walang kamalay-malay na overseas Filipino workers (OFWs).

Laway lamang ang puhunan ni Nolasco at ng kanyang mga kasama sa raket pero daan-daang katao na ang nagoyo nila  sa pagbebenta ng pioneering share sa kanyang kompanya na wala naman talagang produkto.

 Ano mang oras, sasabog sa mukha ng grupo ni Nolasco ang patuloy nilang pagbalewala sa mga subpoena ng NBI lalo’t mino-monitor na maging ng pulisya ang pyramiding scam ng AlphaNetworld. Pero sana, magdalawang-isip muna ang mahilig makipagsapalaran sa pagnenegosyo sa pamamagitan ng social media para hindi sila magsisi kapag naglahong parang bula ang perang kanilang pinagpawisan.

About Ariel Dim Borlongan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *