VP Binay ipoposas sa filing ng COC (Malacañang ayaw pumatol)
Rose Novenario
October 7, 2015
News
AYAW nang patulan ng Malacañang ang pahayag ni Vice President Jejomar Binay na nakaplano na ang pag-aresto sa kanya bago o matapos ang filing ng certificate of candidacy ngayong buwan.
“President aquino has called for a high level of political discourse that is platform and not personality-based. we trust that the Filipino people will join us in this advocacy and shun those that engage in the discredited ways of gutter-level partisan politics,” ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr.
Kamakalawa ay nadagdagan pa ang kasong pandarambong na isinampa laban kay Binay makaraang ihain ni dating Makati City Vice Mayor Ernesto Mercado ang panibagong plunder case sa Ombudsman.
May kinalaman ito sa kasunduan ng Boy Scout of the Philippines at Alphaland Corp.
“The aquino administration believes in and upholds the rule of law. We have focused on implementing reforms and on achieving inclusive and long term growth. Such reforms have also been recognized internationally, and we trust that our bosses, the Filipino people, will continue to support the president’s good governance platform following the ‘daang matuwid’ path,” giit naman ni Coloma.
VP Binay, 16 pa kinasuhan ng plunder
NAGHAIN ng plunder complaint sa Ombudsman si dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado laban kay Vice President Jejomar Binay at 16 dating opisyal ng Boy Scouts of the Philippines (BSP).
Ayon kay Mercado, maanomalya ang pagbebenta ng BSP sa lupa sa Alphaland Corporation sa Malugay St., sa kanto ng Ayala Avenue extension sa Makati City.
Aniya, P600 milyon lang ang naging pagbenta sa lupa ng BSP gayong ang totoong value nito ay nasa P3 bilyon.
Wala aniyang napuntang pera sa BSP sa naging bentahan at hanggang ngayon ay papel lang ng bentahan ang hawak ng BSP.
Samantala, sinabi ni Mercado, kung sakaling manalo si Binay bilang presidente, tatakbo agad siya palabas ng bansa at hihingi ng asylum sa Switzerland.