Sunday , December 22 2024

Producers ng Showtime pupulungin ng MTRCB (Sa pagbubugaw kay Pastillas)

ITINAKDA ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa Oktubre 13 ang dayalogo sa mga producer ng isang noontime show dahil sa isyu ng pambubugaw.

Ayon kay MTRCB Chair Atty. Eugenio Villareal, ito ay bilang tugon sa inihaing reklamo ng women’s group na Gabriela, na tila ibinubugaw na ang binansagang “Pastillas Girl” alang-alang sa ratings.

Kabilang sa mga pupulungin ng Gender And Development (GAD) committee ng MTRCB ang “It’s Showtime” director na si Norbert Vidanes, Business Unit Head Reilyl Santiago, at Executive Producer Mark Rejano.

Una rito, nais ng Gabriela na imbestigahan ng MTRCB ang nasabing segment na layong makatagpo ang babaeng nagngangalang Angelica Yap ng bagong lover makaraang lokohin ng kanyang dating boyfriend.

Hindi anila tama na mistulang ibinubugaw na sa mga lalaki si “Pastillas Girl” para lamang matapatan ang love team nina Alden Richards at Maine Mendoza na ‘Aldub’ sa Eat Bulaga ng GMA.

About Hataw

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *